Magsasanib puwersa ang pinakamaningning na mga bituin ng pelikulang Pilipino sa gaganaping online fundraising event ng Lockdown Cinema Club at Ricky Lee Scriptwriting Workshop kasama ang ABS-CBN Film Restoration na “Gabi ng Himala: Mga Awit at Kwento” ngayong Abril 21 (Martes), 8 PM.
Matutunghayan ito sa Facebook page ng ABS-CBN Film Restoration at kabilang sa mga mapapanood ay ang mga tinitingalang artista, mang-aawit, manunulat, at direktor na sina Charo Santos, Piolo Pascual, Nora Aunor, Lea Salonga, Jodi Sta. Maria, Maja Salvador, Angelica Panganiban, Shaina Magdayao, Nadine Lustre, Raymon Bagatsing, Iyah Mina, Ricky Davao, Ricky Lee, Olive Lamasan, Lav Diaz, Petersen Vargas, Sigrid Andrea Bernardo, Bituin Escalante, at Joyce Bernal.
Sa pangunguna nina Ryan Agoncillo at Bianca Gonzales, ang event ay naglalayong makalikom ng halaga para makatulong sa film workers na lubos na naapektuhan ng enhanced community quarantine.
Ilan sa mga dapat abangan ay ang muling pagbibigay buhay ng mga aktor sa pelikulang “Himala” sa kanilang monologue at reenactment ng ilang eksena nito, na susundan pa ng performances ng mga awitin mula sa “Himala: The Musical.”
Magkakarooon din ng live chat na magbibigay ng pagkakataon sa fans na makausap ang kanilang iniidolong movie icons.
Bukod sa Facebook page ng ABS-CBN Film Restoration at Lockdown Cinema Club, mapapanood din ang “Gabi ng Himala” sa iWant at Facebook pages at YouTube channels ng ABS-CBN Entartainment, Star Cinema, Black Sheep, at Sinehub.
Para sa updates, i-follow lamang ang ABS-CBN Film Restoration sa Facebook (
fb.com/filmrestorationabscbn/), Twitter (@ABS_Restoration), at Instagram (@abscbnfilmrestoration) at pumunta sa Facebook page ng Lockdown Cinema Club (
fb.com/lockdowncinemaclub/).