“a well-crafted and heartbreaking drama that understands the concept of restraint… captures a very real situation in today’s world of online witch hunts and slander.”
Lalabanan ng isang bata ang pangungutya at pang-aapi dahil sa isang viral video niyang kumalat sa internet sa Cinemalaya 2019 Best Film na “John Denver Trending,” na mapapanood na nang libre sa iWant.
Iikot ang pelikula sa buhay ng binatang si John (Jansen Magpusao), na mapagbibintangang nagnakaw ng iPad. Habang ipinagtatanggol ang kanyang sarili, mapapasabak si John sa isang away – isang pangyayaring babago sa kanyang buhay dahil kakalat ito sa internet.
Maliban sa kanyang palaban na inang si Marites (Meryll Soriano), mag-isang lalabanan ni John bilang biktima ng cyber-bullying ang fake news, kurakot na kapulisan, at mga pulitiko upang mapatunayang wala siyang kasalanan.
Ang “John Denver Trending” ang unang pelikula ng director na si Arden Rod Condez at ni Jansen na nagwagi ng Best Actor awards sa Cinemalaya 2019. Gumamit ang pelikulang ng Kiniray-a, ang salitang ginagamit sa Antique, dahil kinunan ito sa Pandan, Antique, ang pinagmulang bayan ng direktor. Tampok din sa cast ang first-time actors na sina Glenn Mas, Sunshine Teodoro, Sammy Rubido, Vince Philip Alegre, Jofranz Ambubuyog, Christian Alarcon, Zandro Leo Canlog, Luz Venus, Andy Yuarata, Estela Patino, at Renato Sagot.
Maliban sa Best Film, napanalunan rin ng indie film ang NETPAC Jury Prize, Best Actor, Best Editing, Best Cinematograpy, at Best Original Score sa 2019 Cinemalaya Independent Film Festival. Inuwi rin nito ang ilang major awards sa Vesoul International Film Festival, kasama ang Special Jury Prize, Audience's Choice Award, at Critics' Choice Award, pati na rin ilang pagkilala mula sa iba’t iba pang international film festivals. Kalahok na rin ang pelikula sa 14th Asia Pacific Screen Awards at mapapasali sa mga nominasyon.
Panoorin ang award-winning na “John Denver Trending” sa iWant (iOs at Android) o bisitahin ang iwant.ph. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundin ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.