News Releases

English | Tagalog

Yeng, nahanap ang kaluwagan ng loob sa napapanahong kanta na "Dasal"

April 29, 2020 AT 12:38 PM

Yeng finds solace through well-timed track "Dasal"

Find refuge in God’s faithfulness by listening to the radio edit of Yeng’s “Dasal” in various digital streaming platforms.

Music video ng “Dasal,” inilabas na

Inilabas ni Yeng Constantino ang radio edit ng kanta niyang “Dasal,” na hangaring pagaanin ang loob ng mga tagapakinig sa pamamagitan ng paalala na palaging nandiyan ang Panginoon lalo na sa harap ng mga pagsubok.

“May mga tanong tayo na minsan mahirap talagang masagot. Pero maniwala ka na sa kabila ng pakiramdam mong wala ka nang makakapitan nandun Siya sa tabi mo at niyayakap ka,” paliwanag ni Yeng tungkol sa kanta sa Instagram.

Ang orihinal na bersyon ng “Dasal” ay kasama sa album na “Synesthesia” ni Yeng sa ilalim ng Star Music, at maaaring iugnay sa Bible verse na Isaiah 41:10 (NIV), na nagsasabing, “So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand.”

Samantala, inilabas na rin ang music video ng “Dasal” na gamit ang orihinal na bersyon ng kanta.

“Matagal na po namin na-shoot yung video nun pero sobrang napapanahon po ngayon ang mensahe. Sa mga nalulungkot na dyan dahil sa nangyayari satin ngayon yakaaap mula sa’kin sa pamamagitan ng isang kanta. Kaya natin to,” sabi ni Yeng.

Marami naman ang agad nag-comment ng mga postibong mensahe sa music video sa YouTube, kung saan pinuri ng mga netizen ang kahalagahan ng paglalabas ng mga napapanahong awitin sa panahon ngayon.

“Ang dasal ay isang oportunidad na makausap ang Maylikha. It’s free! Congrats to the production team of this MV, naiparating nyo ang mensahe ng awitin! Congrats Yeng!” komento ni Eduard Grajo.

“This MV was published timely and expressed what we really need to do now. One prayer will change the situation we're facing now. What more if we all do it in our own ways?” dagdag ni Ira Mae Carlos.

Lumapit sa kanlungan ng Diyos at pakinggan ang radio edit ng kantang “Dasal” ni Yeng sa iba’t ibang digital streaming platforms. Panoorin din ang music video nito sa YouTube channel na Yeng Constantino Music. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa www.facebook.com/starmusicph, at i-follow ito sa Twitter at Instagram @StarMusicPH.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE