News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN News, patuloy na naghahatid sa mga Pilipino ng balita online tungkol sa COVID-19

May 14, 2020 AT 04:53 PM

ABS-CBN News keeps Filipinos informed about COVID-19 on digital

ABS-CBN News is using its digital leadership on Facebook, Twitter, and YouTube to keep Filipinos informed about the COVID-19 pandemic and share stories of hope and bravery from patients and frontliners.

 
ABS-CBN News, may 18 milyong likes na sa Facebook

 Patuloy na ginagamit ng ABS-CBN News ang lawak ng naabot nito online sa paghahatid sa mga Pilipino ng balita tungkol sa COVID-19 pandemic at mga kwento ng pag-asa at katapangan ng frontliners at mga pasyente.
 
Sa Facebook, nakapagtala ang ABS-CBN News ng 18 milyong likes – ang pinakamarami para sa isang news account sa bansa. Dito kumukha ang maraming Pilipino ng impormasyon tungkol sa COVID-19, mga ginagawang hakbang ng gobyerno laban sa pandemiya, at sitwasyon ng iba’t ibang sektor ngayong quarantine. Dito rin napapanood ang livestream ng ilang programa ng TeleRadyo at “TV Patrol,” na umani ng 8.3 milyong views noong muli itong nagpatrol online.
 
Nangunguna rin ang news.abs-cbn.com na pinagkukuhanan ng impormasyon tungkol sa COVID-19 noong Marso, base sa 58.8 milyong page views na nakuha nito.
 
Puntahan naman ang ABS-CBN News YouTube channel na mayroong 9.28 milyong subscribers at 6 bilyong views para sa mahalagang balita at makabuluhang palabas tulad ng mga balita mula sa probinsya, mga dokumentaryo, at segment mula sa mga programa tulad ng “Rated K,” “Failon Ngayon,” at “Mission Possible.”
 
Isa rin sa mga patok ngayon sa Facebook at YouTube ang NXT videos ng ABS-CBN News tungkol sa COVID-19. Isang video na tinutukan ng online viewers ang kwento ng kagitingan ng isang Pinay nurse sa Italy na nagtala na ng 13 milyong views sa Facebook at higit 300,000 views naman sa YouTube.
 
Samantala, may 6.9 milyong followers naman ang ABS-CBN News sa Twitter, kung saan nakakakuha ng agarang balita tungkol sa mga kaganapan sa bansa.
 
Pinapatunayan lamang ng pangunguna ng ABS-CBN sa iba’t ibang online platforms nito na ang network ay pinagkakatiwalaan pa rin ng mga Pilipino para sa balita at impormasyon sa gitna ng COVID-19 pandemic. Pinapakita rin na unti-unti nang nagiging isang digital company ang ABS-CBN dahil sa patuloy na paglawak ng online presence nito at pagdami ng digital properties.
 
Kahit ipinasara ang broadcast operations ng ABS-CBN noong Mayo 5 alinsunod sa cease and desist order ng National Telecommunications Commission, hindi napapagod at tumitigil ang network na maghanap ng paraan para makapaglingkod sa mga Pilipino gamit ang online platforms at iba pang platforms nito na hindi apektado katulad ng ABS-CBN News Channel (ANC) sa cable at TeleRadyo sa cable at ABS-CBN TVplus.
 
I-like na ang ABS-CBN News Facebook page (fb.com/abscbnNEWS), Twitter (@ABSCBNNews),  mag-subscribe sa ABS-CBN YouTube channel, at bisitahin ang website (news.abs-cbn.com). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang abs-cbn.com/newsroom.