ABS-CBN shows available on-demand, “TV Patrol,” TeleRadyo, and ANC stream live daily
Kasing-init ng summer ang mga tagpo ng pag-ibig sa iWant ngayong Mayo dahil sa tatlong orihinal na palabas na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Zanjoe Marudo, Mylene Dizon at Kit Thompson, at Angelica Panganiban at JM De Guzman kasama ang iba pang Kapamilya stars.
Matatagpuan nina Lovi at Zanjoe ang isa’t isa sa Italy sa original movie na “Malaya,” na idinirek din ng “Glorious” creator na si Concepcion Makatuno at mapapanood sa Mayo 28.
Magkalayo ang edad ngunit pagtatagpuin naman ng tadhana sina Mylene at Kit sa pinag-usapang 2019 Cinemalaya entry na “Belle Doleur” na darating sa Mayo 20 sa iWant.
Tatlong kwento ng kasinungalingan at kataksilan naman ang mapapanood sa sexy suspense film na “Love Lockdown” nina Angelica at JM na mapapanood sa Mayo 13. Kinuhanan sa Zoom, iikot ang kwento sa mga taong papatunayan na walang hahadlang sa pag-ibig, kahit pa sa panahon ng quarantine. Tampok din sa cast sina Jake Cuenca, Kylie Verzosa, Sue Ramirez, Arjo Atayde, at Tony Labrusca.
Patuloy namang makakakuha sa iWant ng mapagkakatiwalaang balita at impormasyon dahil nagbabalik ang “TV Patrol” at napapanood nang live tuwing 6 PM gabi-gabi, pati na ang ang DZMM TeleRadyo at ang ANC live channel, matapos ipatigil ang operasyon ng ABS-CBN sa TV. Patuloy ring mapapanood ang mga paboritong Kapamilya teleseryes, talk and variety programs anumang oras sa streaming service, pati na ang The Daily Mass nang mula Lunes hanggang Linggo.
Kasama rin ng mga Pinoy sa tuwa ang ilan sa Kapamilya comedians sa original series na “Tawa Tawa Together” kung saan makakasama ni Alex Calleja sa bagong episodes sina Alex Gonzaga, Melai Cantiveros, at Pokwang upang bigyang kulay ang mga karanasan ng iba’t ibang pamilya sa quarantine.
Magbubukas naman ang documentary section ng iWant hatid ang bagong documentaries. Makisisid sa underwater adventures sa “Wreck Hunters,” tunghayan ang training ni Matteo Guidicelli bilang sundalo sa “Ranger G,” at suriin ang buhay ni Imelda Marcos sa “The Kingmaker.”
Patuloy namang mapapanood sa iWant ang higit sa 1,000 pa libreng pelikula, basta i-download lang ang iWant app (iOs at Android) at mag-register dito gamit ang Facebook, mobile o email, at gumawa ng Kapamilya account.
Abangan ang mga kapanapanabik na originals na ito sa iWant app o sa iwant.ph. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundan ang follow @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, o mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.