Milyun-milyong Pilipino ang nakakaranas ng mas malinaw na panonood sa telebisyon dahil sa ABS-CBN TVplus na inilunsad alinsunod sa mandato ng pamahalaan na lumipat mula sa analog tungo sa digital terrestrial broadcasting.
“The sale of the TVplus boxes is in compliance with the directive of NTC to migrate our broadcast to digital (Ang pagbebenta ng TVplus ay pagsunod sa kautusan ng NTC na ilipat ang pagbobroadcast sa digital),” ayon sa president at CEO ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak sa ginanap na panel hearing ng Kamara tungkol sa franchise renewal ng network noong Huwebes (Hunyo 11).
Inilabas ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang framework ng bansa para sa Digital Terrestrial Television Broadcasting (DTT) Migration Plan sa naganap na Digital TV Summit noong 2017, kung saan inengganyo ang mga brodkaster tulad ng ABS-CBN na pabilisin ang paglipat mula sa analog tungo sa digital broadcasting hanggang sa taong 2023.
Partner ng TVplus ang mga ahensya ng gobyerno tulad ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Metro Manila Development Authority (MMDA), at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) para sa pagpapakalat ng mahahalagang impormasyon sa publiko gamit ang INFOplus feature. Sa simpleng pagpindot sa red button ng TVplus remote, makikita na ng manonood ang pinakahuling update sa traffic, panahon, o anumang sakuna sa telebisyon na hindi na kailangan pa ng internet connection.
May access din ang TVplus viewers sa built-in emergency warning broadcast system (EWBS) na nagbibigay ng babala sa anumang emergency. Ginamit ang serbisyong ito sa ginawang earthquare drill ng MMDA noong 2015.
Mayroon ng 8.9 milyong TVplus units ang naibenta ng ABS-CBN noong Nobyembre 2019.