For new content, follow “Umagang Kay Ganda” (fb.com/ukgdos), “Mission Possible” (fb.com/missionpossible.abscbn), “TV Patrol” (fb.com/tvpatrol.abscbn), “SOCO” (fb.com/SOCOtv), and “Kuha Mo” (fb.com/KuhaMosaABSCBN) on Facebook and subscribe to the ABS-CBN News YouTube channel.
SOCO” ni Gus at “Kuha Mo” ni Ka Tunying, tuloy pa din ang serbisyo sa Facebook
Masigla at puno ng good vibes at aral ang bawat araw dahil nakakasama na ulit ng mga Pilipino ang “UKG” barkada at iba pang anchors ng ABS-CBN News and Current Affairs kabilang sina Julius Babao, Gus Abelgas, at Anthony Taberna.
Tulad ng “TV Patrol,” napapanood na rin sa Facebook ang kanilang mga palabas upang patuloy na masamahan at magabayan ang pamilyang Pilipino at mga masugid na tagasubaybay ng Kapamilya network.
Sumama sa masayang kwentuhan nina Anthony Taberna, Amy Perez, Jorge Carino, Winnie Cordero, Jeff Canoy, Ariel Ureta, Gretchen Ho, at Ariella Arida kasama ang iba pang UKG Barkada, Lunes hanggang Biyernes tuwing 7 am sa Facebook page ng “Umagang Kay Ganda.” Sumama sa mga makabuluhang balitaktakan, masasayang adventure na babalikan, at updates at tips na dapat malaman ng bawat Pilipino para mapanatiling ligtas at malusog lalo na sa panahon ngayon. Mainit ang naging pagtanggap ng netizens sa “Umagang Kay Ganda” na humamig ng mahigit 345,000 views sa una nitong livestream.
Mapapanood na rin sa Facebook ang programang “Mission Possible” ni Julius Babao tuwing Biyernes ng 5:30 pm, kung saan ibibida ang mga kwento ng karaniwang Pilipinong lumalaban sa kabila ng hirap ng buhay. Sa unang livestream nito, ipinakilala si Tatay Erning Ofredo, isang construction worker na naglalakad ng anim na oras para sa trabaho noong panahon ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ). Sa tulong ng programa, nabigyan siya ng bisikleta para hindi na mahirapan sa pagpasok habang nakatanggap din ang mag-iina niya ng suplay ng bigas, itlog, at iba pang pagkain.
Samantala, sa Facebook naman ng “SOCO,” tuloy ang pagharap ni Gus sa mga istorya ng krimen tulad ng paghahanap ng hustisya sa pagkamatay ni Len Mark Hermosa at ang pag-iwas sa kapahamakan ng mag-anak na inakyat sa bahay ng isang construction worker na naipit sa kanilang lugar sa panahon ng quarantine. Tutukan ang bagong episode ng “SOCO” sa Facebook tuwing Sabado, at iba pang maiikling kwento tuwing Martes at Huwebes.
Ang “Kuha Mo” naman ni Ka Tunying, walang tigil pa rin sa paglalabas ng mga video at istorya na nakamamangha at puno ng pagmamalasakit tulad ng isang babaeng pulis na nagtitiis na hindi makasama ang anak dahil sa pagiging frontliner niya. Nariyan din ang mga sakunang nakunan ng kamera at naghahatid ng mga paalala upang ito ay maiwasan, tulad nalang ng pagliyab ng isang motorsiklo na ipinalabas noong Linggo. Mapapanood ang bagong episodes ng “Kuha Mo” tuwing Sabado, 5 pm, habang nagbabahagi rin ito ng iba pang video kada Linggo at Lunes.
Patuloy namang nagbabalita gabi-gabi sina Ted Failon, Bernadette Sembrano, at Noli De Castro sa “TV Patrol,” at sina Alvin Elchico at Zen Hernandez sa “TV Patrol Weekend.”
Sundan sa Facebook ang “Umagang Kay Ganda” (fb.com/ukgdos), “Mission Possible” (fb.com/missionpossible.abscbn), “TV Patrol” (fb.com/tvpatrol.abscbn), “SOCO” (fb.com/SOCOtv), at “Kuha Mo” (fb.com/KuhaMosaABSCBN). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang abs-cbn.com/newsroom.