News Releases

English | Tagalog

Pahayag ni ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak

July 11, 2020 AT 04:03 PM

Labis kaming nasasaktan sa desisyon ng Committee on Legislative Franchises na tanggihan ang franchise ng ABS-CBN. Naniniwala kaming nakapagbigay kami ng serbisyong makabuluhan at mahalaga sa mga Pilipino. Gayunpaman, nagpapasalamat kami sa Committee para sa pagkakataong maipahayag ang aming panig sa mga isyung laban sa amin.

 

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa aming mga sponsors na nanindigan para mabigyan kami ng prangkisa, at sa mga mambabatas na nagsalita para sa amin sa mga pagdinig. Habangbuhay kaming nagpapasalamat sa inyo.

 

Nagpapasalamat din kami sa lahat ng nagpahayag ng suporta at nag-alay ng dasal para sa amin. Hindi namin kakayanin ang lahat ng ito kung wala kayo.

 

Mananatili kaming nakatuon sa serbisyo publiko at umaasang makakahanap ng ibang mga paraan para tuparin ang aming misyon. Kasama ang aming mga empleyado, karamay niyo kami sa inyong kalungkutan. Inaasahan namin ang araw na tayo ay magkakasama muli. Mga Kapamilya, maraming salamat na patuloy kayong nagtiwala, sumuporta, nagdasal, at lumaban kasama namin.

 

Kapit lang, muling magliliwanag ang kwento ng bawat Pilipino.