News Releases

English | Tagalog

Pahayag ng ABS-CBN sa pagbabawas ng manggagawa

July 15, 2020 AT 07:28 PM

ABS-CBN statement on layoff of workers

With the non-renewal of its congressional franchise, ABS-CBN is now forced to cease the operations of some of its businesses and implement a retrenchment program covering ABS-CBN and its subsidiaries effective end of business day on 31 August 2020.

Dahil sa desisyon ng Kongreso na hindi bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN, humantong na ang network sa mahirap at masakit na desisyon na itigil ang operasyon ng ilang negosyo nito at simulan ang proseso ng pagbabawas ng empleyado simula 31 Agosto 2020.   

Ginagawa namin ang lahat para maibsan ang sakit na mararamdaman ng mga maapektuhan, kabilang ang pagbibigay sa kanila ng separation pay na naaayon sa batas at retirement benefits, at mga programang tutulong sa paghahanap nila ng bagong trabaho. 

Mahirap na pakawalan ang aming mga Kapamilya sa panahong walang kasiguruhan at puno ng pangamba dahil sa COVID-19, ngunit ito ay isang desisyong kailangan naming gawin. Bagama’t masakit, ito lamang ang paraan upang matiyak pa ang trabaho ng ibang mga Kapamilya.

Ipinagdarasal namin ang mga mawawalan ng hanapbuhay at ang kanilang mga pamilya. Sana’y pagkalooban kayo ng lakas ng loob sa pagharap sa mga darating na pagsubok. Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng inyong ginawa para sa ABS-CBN. Maraming salamat po, Kapamilya.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE