News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN Foundation, ipagpapatuloy ang serbisyo publiko

July 18, 2020 AT 11:31 AM

ABS-CBN Foundation commits to continue its public service programs

ABS-CBN Foundation shall continue to deliver public service to the Filipino people despite the pandemic and the shutdown of ABS-CBN Broadcasting Network.

(Quezon City, Philippines)  Ang pamunuan ng ABS-CBN Foundation ay naglabas ng pahayag noong Hulyo 16, 2020 na ipagpapatuloy nila ang kanilang mga programang naghahatid ng serbisyo publiko. 
 
Sa kabila ng  pandemya at ng pagpapasara ng ABS-CBN Broadcasting Network,  magpapatuloy ang ABS-CBN Foundation sa paghahatid ng serbisyo sa mga Pilipino.
 
Mananatiling bukas ang hotline 163 ng Bantay Bata 163 para tumanggap ng mga sumbong ng mga kaso ng pang-aabuso, at para matulungan ang mga batang nangangailangan ng psycho-social support at psychological first-aid.
 
Ang Bantay Bata Children’s Village ay patuloy na kakalinga sa mga inabandonang bata at mga street children na nasa pangangalaga nila. Ipagpapatuloy din nila ang pagpapaaral ng mga iskolar ng Bantay Edukasyon ngayong taon.
 
Ang Bantay Kalikasan ay magpapatuloy sa paprotekta, pagkalinga at pangagasiwa ng La Mesa Watershed at La Mesa Ecopark.  Ipagpapatuloy at tatapusin nila ang mga proyektong nasimulan na para sa mga komunidad.  Patuloy din nilang  gagamitin ang mga digital platforms ng ABS-CBN Foundation  para ipalaganap ang adbokasiya para sa kalikasan.
 
Samantala, ang Sagip Kapamilya ay  ipagpapatuloy naman ang  "Pantawid ng Pag-ibig" upang matulungan ang mga hindi nakakapaghanapbuhay ngayong may pandemya.  May 840,000 na pamilya o higit  4.2 milyong Pilipino ang nabigyan ng ayuda mula nang mag-umpisa ang  proyekto.
 
Ayon sa pamunuan ng AFI, "Kami sa ABS-CBN Foundation ay mananatiling tapat sa aming misyon, at ipagpapatuloy namin ang pagtulong  sa abot ng aming makakaya, hanggang  kaya namin.
 
"Sa lahat ng aming mga  partners at donors,  lubos  ang aming pagpapasalamat  sa pagpapahalaga ninyo sa aming kawanggawa sa loob ng 31 taon.  Magkasama tayong nakapagpabago ng buhay ng milyon-milyon nating mga kababayan.
 
"Naiibsan ang lungkot namin dahil sa inyong pagpapaphayag ng suporta sa amin. Nanatili ang aming lakas dahil sa inyong tiwala.
 
"Kayo ay makakaasa na ang  ABS-CBN Foundation ay mananatiling  foundation ng ating bayan at magpakailanman ay magiging tapat sa paglilingkod sa bawat Pilipino."