“Still 2gether,” “I’m Tee Me Too,” and “Come to Me,” are produced by GMMTV, a leading content company in Thailand, which partnered with ABS-CBN for the airing of Filipino-dubbed versions of their shows in the Philippines.
Aapaw pa ang kilig at hugot sa iWant sa pagdagsa ng Thai series na malapit nang mapapanood dito, kabilang na ang Tagalized sequel ng “2gether,” 2019 series na “Come to Me,” at ng bagong “I’m Tee Me Too.”
Ngayong Agosto at Setyembre, sasabay sa airing sa Thailand ang pagpapalabas ng Tagalized versions ng “Still 2gether” at “I’m Tee Me Too” sa Pilipinas sa iWant. Tampok sa dalawang serye ang apat na pinakasikat ng boy love pairs ng GMMTV—ang BrightWin sa “Still 2gether,” at KristSingto, TayNew, at OffGun para sa “I’m Tee Me Too.”
Tuloy-tuloy ang kilig ng BrightWin fans sa pagdating ng “Still 2gether,” ang karugtong ng “2gether.” Sa five-episode special, dalawang taon nang magkasintahan nina Sarawat (Bright Vachirawit) at Tine (Win Metawin). Ngunit mababalot ito ng pagsubok at selos dahil sa hindi nila pagkakasundo at mabibigat na responsibilidad sa kolehiyo.
Darating naman sa Setyembre ang “I’m Tee Me Too,” tampok ang sikat na Thai stars na sina Off, Gun, Tay, New, Krist, at Singto. Magkasamang titira ang anim na binata sa iisang bubong at sabay-sabay na makikilala ang isa’t isa at matututunan ang halaga ng pagkakaibigan.
Mapapanood na rin sa Agosto 8 ang romance drama series na “Come To Me,” tungkol sa multong si Mes (Singto) na malulumbay dahil 20 taon nang walang bumibisita sa puntod niya. Maaawa naman ang batang si Thun kaya’t magiiwan ito ng pagkain at mangangako na babalik ito sa puntod.
Sa paglipas ng mga taon, babalik si Thun (Ohm) na isa nang binata at ipapaliwanag kay Mes na nakikita niya ito bilang multo. Mapapalapit ang loob nila sa isa’t isa habang hinahanap ang sagot sa likod ng pagkamatay ni Mes.
Libreng mapapanood ang Tagalized version ng “Still 2gether,” “I’m Tee Me Too,” at “Come To Me” sa iWant app (iOs at Android) o iwant.ph. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundan ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.