News Releases

English | Tagalog

Unang digital fancon para para sa "Hello Stranger," handog ng ABS-CBN

August 14, 2020 AT 01:25 PM

Handog ng ABS-CBN para sa mga Kapamilya fans ang kanilang pinaka-unang digital fan conference para sa patok na online series na “Hello Stranger” ngayong Linggo (August 16) 2 PM na magbibigay ng pagkakataon sa fans na makasama ang kanilang idolo online via KTX.PH.
 
Sa pagtatapos ng series, naghanda ang ABS-CBN para sa fans ng salu-salo na puno ng games, surprise guest, at pagkakataong makapanood ng finale episode Nang mas maaga sa August 19 airing date nito. Mabibili ang tickets para dito sa halagang P99 sa KTX.PH.
 
Ang "Hello, Stranger" ang unang weekly digital series mula sa ABS-CBN Films’ Black Sheep tungkol sa pagmamahalan at pagkakaibigan ng dalawang college boys mula sa magkaibang mundo, ang happy-go-lucky athlete na si Xavier (Tony Labrusca) at ang masipag mag-aral at magalang na si Mico (JC Alcantara). 
 
Sa huling episode, natapos na sa wakas nina Mico at Xavier ang kanilang school play project, na naging paraan para ilabas nila ang kanilang totoong nararamdaman para sa isa’t isa. Sa payo ng mga kaibigan na ipagtapat ang kanyang totoong nararadaman para kay Xavier, napagdesisyunan ni Mico na gawin ito. Magkakaroon ba siya ng lakas na umamin o matakot at hindi ituloy ang plano?
 
Dahil higit sa nine million views na ang nalakom ng series, ito ngayon ang most-watched Boys’ Love series sa Pilipinas. 
 
Ang fan conference na ito ang ay isa sa mga pinaka-bagong digital entertainment experience offerings ng ABS-CBN kasunod ng inilunsad na Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook na naaabot ang mas maraming Pilipinog naghahanap ng entertainment na may tatak Kapamilya. 
 
Ilan sa mga naging matagumpay na Kapamilya Tickets Online offerings ay ang Jed Madela's "New Normal," JaMill's "Tayo Hanggang Dulo,"  K Brosas' “20k20," at iba pang special exclusive events.
 
Abangan ang iba pang exciting experiences mula KTX.PH.