News Releases

English | Tagalog

Netizens at advertisers, suportado ang Kapamilya Online Live ng ABS-CBN

August 05, 2020 AT 11:07 AM

Labis ang pagkasabik ng netizens at advertisers sa paglulunsad ng ABS-CBN ng Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook matapos itong purihin bilang isang makabagong paraan ng paghahatid ng entertainment sa bansa.

Nagbigay ng mensahe ng pasasalamat ang ABS-CBN chief operating officer of broadcast na si Cory Vidanes at nangakong patuloy na maghahandog ang ABS-CBN ng world-class entertainment sa kabila ng mga pinagdaraanan ng network.

“Despite the heartbreak, we promise to continue delivering our content on other platforms and to as many people as possible. From broadcast to livestreaming, this is a new journey and a first for ABS-CBN to make a digital pivot with Kapamilya Online Live, the newest home of our well-loved Kapamilya shows that Filipinos miss. Our bond with our Kapamilya will never be broken,” sabi ni Vidanes.

Nagkaroon ang advertisers ng pagkakataong makausap ang iba’t-ibang Kapamilya stars at makita nang live sa “It’s Showtime” sa virtual trade event ng Kapamilya Online Live.

Opisyal ding inanunsyo dito ang mga palabas na mapapanood sa livestream araw-araw at ang mga bagong programang handog nito, gaya ng Ang Sa Iyo Ay Akin” na pagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Sam Milby, Iza Calzado, at Maricel Soriano. Ito ang unang orihinal na digital show na ipapalabas nang buo sa Kapamilya Onlive Live simula Agosto 17.

Bukod sa bagong programa, mapapanood din ang “FPJ’s Ang Probinsyano,” “A Soldier’s Heart,” “Love Thy Woman,” “Magandang Buhay,” “It’s Showtime,” “ASAP Natin ‘To,” “Iba ‘Yan” kasama si Angel Locsin, at “Paano Kita Mapasasalamatan” kasama si Judy Ann Santos-Agoncillo.

Dumalo rin sa virtual trade event sina Judy Ann, Richard, Kim Chiu, Xian Lim, Yam Concepcion, Gerald Anderson, Carlo Aquino, Yassi Pressman, Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, Arci Munoz, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, at Vice Ganda. Naghandog din ng performances ang “It’s Showtime” hosts, pati na rin ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Naging mainit naman ang pagtanggap sa official launch noong Agosto 1 sa social media, kung saan marami ang pumuri sa hakbang ng ABS-CBN na i-livestream ang mga programa nito online para patuloy na makapaghatid ng saya, ginhawa, at inspirasyon sa mga Pilipino.

“Welcome to the digital world, Kapamilya. Kung pinagkaitan ng franchise, may nagbukas ng bagong way para maipagpatuloy ang saya, pagbabalita, karunungan, at pagtulong sa mga Pilipino. Good job,  Kapamilya,” papuri naman ni Baby Aloy Aden.

Sabi ni Twitter user @Maralita1Shiela, “ABS CBN TV in digital era --- high tech, high standard! New cool way of watching TV.”

"Kapamilya Online Live is the new step by ABS-CBN to continue its entertainment and public service. It’s a good thing that they utilized the help of technology in bringing the TV experience in a different platform to Filipinos nationwide,” tweet ng fan na si @bingsquared.

“Maraming salamat sa pamunuan nang ABS-CBN. ‘Di sila tumigil sa kakaisip ng mga paraan para patuloy na mapanood ang mga Kapamilya shows. Forever Kapamilya,” komento naman ni Elizabeth Alquero.

Punto naman ng Facebook user na si Marlon Tambis, “This is a good move which may soon kill the frequency-based TVs. ABS has enough following and so can influence the shift to digital. Baka di na mauso ang TV dahil sa ABS. Naka-cellphone na halos lahat, lalo na mga millennials.”

Bukod sa bago at kasalukuyang umeereng palabas, ibinahagi rin na magbabalik sa Kapamilya Online Live ang mga minahal na serye gaya ng “Forevermore,” “Halik,” “Magpahanggang Wakas,” “Pangako Sa’Yo,” “Be Careful With My Heart,” “The General’s Daughter,” “Los Bastardos,” “Precious Hearts Romances,” “100 Days To Heaven,” “Los Bastardos,” at game shows na “Pilipinas, GKNB?” at “Celebrity Playtime.”

Bukod sa libre at walang subscription fee na kailangang bayaran, mae-enjoy din ang panonood sa Kapamilya Online Live dahil maaaring balikan mga programang ipinalabas sa buong araw sa loob ng 24 oras matapos itong ipalabas nang live. Ekslusibo namang mapapanood ang parehong livestreaming ng Kapamilya Onlive Live sa Facebook at YouTube sa Pilipinas.

Sa YouTube, tuloy-tuloy ang panonood simula 7:40 AM hanggang 10 PM. Sa Facebook, may regular na timeslot ang lahat ng programa at may break sa pagitan ng timeblocks.

Tumuloy na sa bagong tahanan ng ABS-CBN shows na Kapamilya Online Live at mag-subscribe na sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel (youtube.com/abscbnentertainment) at Facebook page (fb.com/ABSCBNnetwork). Para makakuha ng updates at makita ang schedule ng mga programa, pumunta lang sa kapamilyaonlinelive.com.