News Releases

English | Tagalog

Ces Drilon, naghahanap ng co-host sa susunod na "Bawal Ma-Stress Drilon" livestream sa FYE Channel

August 06, 2020 AT 04:45 PM

Ces Drilon looks for a co-host in the next "Bawal Ma-Stress Drilon" livestream on FYE Channel

Watch “Bawal Ma-Stress Drilon” and other FYE Channel programs via livestream on Kumu.

Kasama ang special guest na si Maymay Entrata!

Iniimbitahan ng beteranong broadcast journalist na si Ces Drilon ang mga 'Kumunetizen' para maging maswerteng co-host ng programa niyang “Bawal Ma-Stress Drilon” sa FYE (For Your Entertainment) Channel sa Kumu app ngayong Lunes (Agostot 10), 9:30pm, kasama ang espesyal na bisita niyang si Maymay Entrata.

Mapapanood si Ces sa virtual program na ini-istream nang live sa Kumu sa loob ng isa't kalahating oras habang nakikipag-usap siya sa iba't ibang personalidad, gaya na lang ni Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno na pinakahuli niyang panauhin.

Ang FYE Channel ay ang pinakabagong handog ng subsidiary ng ABS-CBN na Creative Programs Inc. bilang paraan para mas malakas ang virtual connection nito sa mga manonood sa pamamagitan ng online streaming sa Kumu. Mayroong mga eksklusibong palabas na tumatalakay sa iba't ibang usapin gaya ng beauty, pop culture, entertainment, lifestyle, at music.

Para sa mga gustong matupad ang pangarap nilang makapag-host nang live sa “Bawal Ma-Stress Drilon,” kailangan lang sundin ang ilang hakbang. Ang una, i-download ang Kumu app at pangalawa ay i-follow ang @fyechannel. Pagkatapos, kailangang mag-live at kolektahin ang mga customized ‘Stress Drilon’ virtual gifts mula sa mga manonood hanggang sa 11:59pm ng Sabado (Agosto 8). 

Ang streamer na makakakuha ng pinakamaraming ‘Stress Drilon’ virtual gifts ang idedeklarang co-host na sasamahan sina Ces at Maymay sa livestream ng “Bawal Ma-Stress Drilon” sa Lunes (Agosto 10). Abangan ang anunsyo ng nanalo sa app at Instagram page ng Kumu sa Linggo (Agosto 9).

Ang iba pang mga programang dapat abangan sa FYE Channel ay ang “Manhacks” kasama si Jigs Mayuga (6pm) tuwing Lunes; “MYXclusive” kasama ang MYX VJs (11am) tuwing Martes; “Hanz Swerte, Hanz Saya” (10am), “Hey Hershey” (6pm), “Single Ladies Night” (7pm), “Mama Ogs, Pak! Humor,” at “Kwentong Macoy” (9:30pm) kada Miyerkules.

Sa Huwebes, pwedeng mapanood ang mga paboritong RISE artists sa “Rise Here, Right Now” (6pm), “Metro Chats” (7pm), “Metro K-Drama Club” (8pm), at “Make Me Over” (9pm). Pagdating ng Biyernes, hatid naman ni DJ Jai Ho ang mga pinakabagong showbiz balita sa “Showbiz Pa More” (9pm).

I-download ang Kumu app at sundan ang FYE Channel (fyechannel) para maging co-host ni Ces! Panoorin ang “Bawal Ma-Stress Drilon” at iba pang FYE Channel programs sa pamamagitan ng livestream sa Kumu. Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter at Instagram (abscbnpr) o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE