News Releases

English | Tagalog

Bagong Thai series na "I'm Tee, Me Too" mapapanood na sa iWant TFC

September 16, 2020 AT 09:44 AM

Six Thai stars find friendship in new series "I'm Tee, Me Too" streaming on iWant TFC

The series is available to iWant TFC standard and premium PH subscribers in Filipino-dubbed and original language with English subtitles.

Magsasama sa iisang bahay ang Thai stars na sina Off, Gun, Tay, New, Krist, at Singto para sa isang kwento ng pagkakaibigan sa bagong Thai series na “I’m Tee, Me Too,” na mapapanood sa bagong iWant TFC streaming service kasabay ng Thailand airing nito simula Biyernes (Setyembre 18), 10:30 PM.

 

Mapapanood ng standard at premium subscribers ng iWant TFC sa Pilipinas ang parehong Tagalized at orihinal na Thai version na may English subtitles ng serye. Susundan nito ang anim na binatang magkapalayaw man na Tee ay magkakaiba ang hilig at ugali at maninirahan sa ilalim ng isang bubong.

 

Magsisimula ang kwento kay WaTee (Kirst), isang estudyanteng maghahanap ng mga makakasama sa bahay nila matapos mamatay ang kanyang ina. Para maisalba ang bahay, mapipilitan si WaTee na magsama ng tenants.

 

Dito niya makikilala sina TeeRex (Gun), ang only child na hindi kaya maging mag-isa, TeeDet (New), isang binatang mahilig mag-work out ngunit takot sa mga magagandang babae, MaeTee (Off), isang mass communications student na praning sa mga multo, MaiTee (Singto), ang kusinerong nasisindak ng magagandang balita, at TeeDo (Tay), ang musikerong nangingilabot sa tunog ng pagnguya.

 

Kayanin kaya nilang tiisin ang ugali ng isa’t isa sa loob ng anim na buwan? Gulo lang ba ang aabutin ng kanilang pagsasama, o makatutulong ba sila sa mga problema ng isa’t isa?
 
Ang “I’m Tee, Me Too” ang ikaapat na Thai series na mapapanood sa iWant TFC kasunod ng “2gether,” ”Still 2gether, at “Come to Me” bilang bahagi ng kasunduan ng ABS-CBN sa Thai content company na GMMTV. Isa si Singto sa mga bida ng “Come to Me,” samantalang sumali naman si Tay sa original Japanese global game show ng iWant na “Find the Wasabi,” kung saan nanalo ang Pinoy actor na si Khalil Ramos.
 
Simula Setyembre 18, panoorin ang “I’m Tee, Mee Too” tuwing Biyernes, 10:30 PM sa iWant TFC app (iOs at Android) o iwanttfc.com. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC, at i-follow ang @iwanttfc on Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Para sa mga tanong, maaaring mag-message sa Facebook o email support@iwanttfc.com.