News Releases

English | Tagalog

Digital shows ng ABS-CBN films, humakot ng 30 milyung views

September 17, 2020 AT 05:08 PM

Patok na patok sa mga manonood ang mga digital na palabas ng ABS-CBN Films ngayong pandemya.  Umabot sa halos 30 milyon ang pinagsama-samang views ang mga talk show, variety show, visual podcast, at at boy love series.

 

Kahit sarado ang mga sinehan, hindi tumigil ang ABS-CBN Films sa pag-iisip at paggawa ng mga palabas para bigyan ng entertainment ang kanilang mga manonood na nasa bahay lamang dahil sa quarantine.

 

Kakaumpisa lang ng pangalawang season ng talk-variety-musical show na “I Feel U’ ni Toni Gonzaga na nakakuha na ng 10.1 million views. Binigyan nito ang mga Filipino fans at kanilang mga pamilya sa Pilipinas at abroad ng pagkakataong magsamasamang muli sa panonood ng mga cast reunion ng mga kilalang TV show, mini-concerts, contests, at tributes sa mga bayani ng pandemya.  Tuwing Linggo ng 9:30 AM at 5 PM ang streaming nito.

 

Hindi rin tumigil ang ABS-CBN Films sa pagdiskubre at pagpasikat ng mga bagong artista.  Inilunsad nito ng bagong talent management team na Rise Artists Studio.  Tampok ang kanilang 16 artista sa “We Rise Together” na isang youth-oriented variety show tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, 12 noon at sa “Rise Here, Right Now” na siang Instagram live spin-off na nasa Kumu tuwing Martes, Huwebes, at Sabado ng 12 noon.

 

Humataw din online ang “Four Bad Boys and Me” series nina Maymay Enrata Kaori Oinuma, Rhys Miguel, Jeremiah Lisbo, Karina Bautista, at Aljon Mendoza, kasama si Chie Filomeno.  Twitter trending lagi ang episodes at umabot na sa 4.6 milyong views ang kauna-unahang visual podcast na parang radio drama na pang TV.  Ito ang unang handog ng kanilang “Listen to Love” lovecast series.

 

Nagtala naman ng halos 14 milyon views ang boy love series na “Hello Stranger” nina JC Alcantara at Tony Labrusca.  Kilig na kilig ang mga sumusubaybay sa kanilang tambalan at sa kakaibang kwento nito.  Pati mga banyagang YouTuber ay nagreact sa mga nakakakilig na eksena.

 

Naging consistent number one trending Twitter topic ang nasabing palabas sa Pilipinas at umani rin ito ng paghanga ng mga manonood mula sa Amerika, Puerto Rico, Belarus, at Thailand. 

  

Inabangan din ang finale fan conference kung saan nakausap nila ang mga stars at napanood ang advanced finale screening. Hindi lang mga Pilipino ang sumali dito kundi pati na rin ang mga fans mula sa Jakarta, Bangkok, Taipei, Doha, Paris, Chicago, London, Vancouver, San Diego, Dublin, Melbourne, Toronto, Seattle, Calgary,  Riyadh, Kiel, Barcelona, Sharjah, Kuwait, Houston, Rio de Janeiro, Al Kobar, Bethlehem, at Copenhagen.

 

Ito na ngayon ang most viewed digital series sa Pilipinas. Hindi na rin kailangang maghintay ng fans para makitang magkasama ang mga stars nito dahil magkakaroon na ng pelikula ito.

 

Para sa updates sa mga handog ng ABS-CBN Films, mag-subscribe sa YouTube channel nito, sundan ang Facebook, Twitter, at Instagram page ng Star Cinema, Black Sheep, Rise, Star Hunt, ABS-CBN Entertainment, at Star Magic.