News Releases

English | Tagalog

15 pelikula mapapanood nang libre sa YouTube Super Stream

September 23, 2020 AT 04:46 PM

15 free films to watch on Star Cinema, Cinema One YouTube channels via Super Stream

Got time to binge-watch movies? Stream these titles on YouTube for free!

Tuloy ang ligaya para sa mga mahilig manood ng Pinoy movies dahil 14 na pelikula ang ipapalabas ng Cinema One at Star Cinema nang libre ngayong buwan sa YouTube Super Stream.
 
Pwedeng panoorin ang Cinemalaya film na "Ligo Na U, Lapit Na Me" hanggang hatinggabi ng Setyembre 28 (Lunes), na tumatalakay sa makabagong kwento ng pag-ibig at relasyon, kung saan pumasok sa isang casual sexual relationship ang mga college student na sina Intoy (Edgar Allan Guzman) at Jenny (Mercedes Cabral). Dapat ding abangan ang “Bukas Na Lang Sapagkat Gabi Na” na tungkol naman sa apat na magkakakabit na istorya noong dekada '70 sa panahon ng batas militar.
 
Mula Setyembre 23 hanggang 28, pwede ring panoorin ang Cinema One Originals documentary film na "Forbidden Memory" tungkol sa kwento ng mga nakaligtas sa 1974 Malisbong massacre.
 
Samantala, may mga pelikula rin tampok ang mga istorya ng mga karakter na LGBTQ na showing hanggang sa Setyembre 30 (Miyerkules). Kasama dito ang mga Cinema One Originals na “Baka Bukas” at “Mamu; and a Mother Too,” pati na ang “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros,” na umani ng maraming pagkilala.
 
Ilan pa sa mga libreng mapapanood na pelikulang pupukaw sa damdamin at magbibigay-inspirasyon hanggang Setyembre 30 (Miyerkules) ang "Happyland," na kwento ng mga kapus-palad na batang Tondo na nakahanap ng pag-asa sa paglalaro ng football, ang 2018 Cinema One Originals Best Film na "Paglisan," ang 2018 Cinema One Originals Best Film tampok sina Eula Valdez at Ian Veneracion tungkol sa mag-asawang pinipilit isalba ang relasyon nila, at ang "Tisay," kung saan ang isang magandang bookie (Nathalie Hart) ay ni-recruit ang baguhang manlalaro (JC De Vera) sa magulong mundo ng game-fixing sa semi-pro basketball.
 
Ipapalabas naman sa Star Cinema YouTube channel hanggang Setyembre 26 ang barkada movie na “Jologs” nina Diether Ocampo, John Prats, Vhong Navarro, at Jodi Sta. Maria, at ang “Agawan Base” tampok si Jolina Magdangal bilang isang direktor na magbabago ang buhay nang makilala niya ang isang batang maka-Diyos.
 
Magpapakilig din ang Star Cinema sa “Once A Princess” tampok sina Erich Gonzales at Enchong Dee bilang high school sweethearts na magtatagpong muli ang landas, at “Bromance: My Brother's Romance” kung saan magpapanggap si Zanjoe Marudo bilang ang baklang kapatid niya para maisalba ang negosyo nito.
 
Mapapanood din ang horror movie na “Amorosa: The Revenge” ni Angel Aquino at “Padre de Pamilya” ni Ariel Rivera.
 
Panoorin ang mga pelikulang ito sa YouTube Channels ng Cinema One at Star Cinema. Tingnan ang YouTube Super Stream ng Cinema One dito at ng Star Cinema rito.
 
Bukod sa mga pelikula, mapapanood din nang libre ang ilang ABS-CBN shows, iWant originals, sports events, digital talk shows, at live performances ng Star Music artists sa Philippines Super Stream, na mapapanood dito.  
 
Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter (@abscbnpr), at Instagram (@abscbnpr).