Housemate Mika Pajares has packed her bags after she was declared the third evictee in “PBB Connect.” Meanwhile, upon Mika’s exit, Amanda Zamora, dubbed as the “Unique-A Hija Darling ng San Juan,” entered the 'PBB' house.
Anak ng politiko, pumasok na sa ‘PBB’ house
Tuluyan nang nag-impake ng kanyang mga kagamitan ang housemate na si Mika Pajares bilang third evictee ng “PBB Connect” matapos makakuha lamang ng 1.66% ng pinagsamang Kumu at text votes kagabi (Enero 10).
Nakaligtas naman sa eviction night ang kapwa nominees ni Mika na sina Haira Palaguitto (14.79%), Kobie Brown (14.56%), at Crismar Menchavez (2.98%).
Puno naman si Mika ng pasasalamat kay Kuya sa pagkakataong maging housemate. “Thank you po talaga sa experience. Sobrang babaunin ko po ito lahat. Medyo mahirap lang po tanggapin pero kakayanin po. Lalaban po,” ani ng “Single Momshie-Kap ng Bataan.”
Samantala, may bagong housemate naman na pumasok sa bahay ni Kuya na isa sa mga napili ng KUMUnity. Siya si Amanda Zamora, ang “Unique-A Hija Darling ng San Juan” at nag-iisang babaeng anak ni San Juan City Mayor, Francis Zamora.
Ayon kay Amanda, sumali siya sa “PBB Connect” dahil marami siyang gustong mapatunayan. “Sumali po ako sa PBB para mapatunayan that I am more than just a model and a politician’s daughter. And that I can be more than what people expect me to be,” aniya.
Ano kaya ang reaksyon ng housemates sa pagpasok ni Amanda sa bahay ni Kuya?
Tutukan iyan at iba pang mga pangyayari sa “PBB Connect,” 10 pm tuwing Lunes hanggang Sabado sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at ABS-CBN Entertainment Channel. Samahan din sina Bianca at Robi sa “PBB KUMUnect Tayo” ng 10 pm (Lunes hanggang Sabado) at 8:30 pm (Linggo) at sina Melai at Enchong sa “PBB KUMUnect Tayo Afternoon Show” ng 5 pm sa PBB Kumu account (https://app.kumu.ph/PBBabscbn). Abangan din ang updates ni Richard anumang oras sa araw sa “PBB” official accounts sa Facebook (PBBABSCBNTV), Twitter (PBBABSCBN), Instagram (PBBABSCBNTV), at YouTube (Pinoy Big Brother).
Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.