Nagsimula nang mapanood ng mas maraming Pilipino sa buong bansa ang pinakaabangang concert experience na handog ng “ASAP Natin ‘To,” ang longest-running weekly musical variety show, sa pag-ere nito sa TV5 noong Linggo.
Nag-trend bilang number one sa Twitter ang official hashtag nitong #ASAPasONE at nakalikom ng higit sa isang daang libong posts, na kinilala ang bagong kabanata ng show.
“We are stronger avid viewers of A2Z, Kapatid, and Kapamilya networks,” ani @jay_monterey.
“They broke ABS-CBN into pieces. Now they are all scattered in different platforms and channels. Cable TV, app online, satellite TV, and 2 free TV networks. They cannot stop us for being in the service of the Filipino,” sabi naman ni @mahusay_magtweet.
“Wow Christmas Special ba ito? Siksik, liglig, at umaapaw ang mga bituin!” tweet ni @drixsalazar.
Hindi naman napigilan ng netizens na gumawa ng kani-kanilang hashtags para sa show at sa mga guests at hosts nito. Tumabo ang show ng posts may mga hashtag tulad ng #ASAPonTV5, #WeLoveYouQueenRegine, #TheUnkabogableVGonASAP, #KyCine51MOSonASAPMAYWARDSundayTreat #ALJONNatinonASAP, at marami pang iba.
Simula pa lang ay pasabog na ang handog na performance ng main hosts at rinerespetong OPM artists na sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, at Gary Valenciano, na umawit ng Alamid classic na “Sama-Sama.”
Sinamahan naman sila ng mga Kapamilya hosts na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, atJhongHilario ng “It’s Showtime,” Momshies Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros, at ng cast ng mga hit teleserye na “Ang Sa Iyo Ay Akin’ at “Bagong Umaga.”
Nagbigay inspirasyon naman sina Jed Madela, Jason Dy, Nyoy Volante, Janine Berdin, Elha Nympha, Jona, at KZ. Exciting na mga number naman ang handog nina Joshua Garcia,Enchong Dee, Loisa Andalio, at Kim Chiu. May patikim rin ang darating na serye na “Huwag Kang Mangamba” sa pagpanik ng Gold Squad at pag-awit ni Angeline Quinto ng theme song nito.
Samantala, mainit na tinanggap ng show ang pagpasok ng award-winning actress at bagong Kapamilyang si Janine Gutierrez.
Mula 1995, lingo-linggong naghahatid ang “ASAP Natin 'To” ng concert experience mula sa pinakamalaking mga bituin sa entablado.
Ipapalabas na rin sa TV5 ang “FPJ: Da King,” ang mga pelikula ng “King of Philippine Movies” na si Fernando Poe Jr. tuwing Linggo mula 2:00 PM hannggang 4:00 PM.
Ang “ASAP Natin ‘To” ay napapanood rin sa Kapamilya Channel (cable), A2Z Channel 11 (free TV), Kapamilya Online Live (free live streaming), iWantTFC (on-demand streaming), at TFC (overseas subscription).