News Releases

English | Tagalog

YouTube at ABS-CBN Music, may libreng Valentine's concerts tampok sina Jona, Juris, at Jed

January 28, 2021 AT 11:36 AM

YouTube, ABS-CBN Music to stage free Valentine's concerts featuring Jona, Juris, and Jed

YouTube Music Night is ready to mend hearts and spread love via live performances that will be streamed for free on Feb. 6 (Love, Jona) and Feb. 13 (Hearts On Fire: Juris and Jed) on the YouTube channels of ABS-CBN Star Music, MOR, MYX and One Music.

“YouTube Music Night,” magsisimula na sa Pinas sa darating na Buwan ng Pag-ibig 

 

Ilulunsad na ng YouTube ang inaabangang “YouTube Music Night” sa Pilipinas at nakipagsanib-pwersa ito sa ABS-CBN para sa dalawang concerts ngayong Pebrero na pangungunahan ng Kapamilya singers na sina Jona, Juris, at Jed Madela.

 

Handa nang magpasaya ng mga puso at magpalaganap ng pag-ibig ang libreng virtual concerts na mapapanood sa darating na February 6 at 13, 8 pm sa YouTube channels ng ABS-CBN Star Music, MOR, MYX, at One Music.

 

Sisimulan ang love month ng “YouTube Music Night sa “Love, Jona,” isang show na puno ng musika, pag-ibig, at feels na magaganap sa February 6 (Sabado).

 

Hatid ni Jona ang iba’t ibang song medleys tampok ang mga kanta ni Daniel Padilla, sariling mga awitin, at iba pang love songs na may re-imagined versions. Makakasama niya rito ang special guests na sina JMKO, Jeremy G, at Bugoy Drilon.  

 

Isa namang back-to-back Valentine’s special ang mapapanood sa February 13 (Sabado) sa “YouTube Music Night” na pinamagatang “Hearts On Fire: Juris and Jed.”

 

Pangungunahan ni Juris ang first half ng show at pupunuin ng pag-ibig sa pamamagitan ng kanyang mga ihahandang awitin. Makakasama niya rito si Ice Suguerra bilang special guest.

 

Susundan ito ng makabagbag damdaming vocal performances ni Jed sa ikalawang bahagi ng show. Makakasama dito ng tinaguriang World Champion ang bisitang si Markki Stroem.  

 

Sina Edward Barber at Ai dela Cruz ang magsisilbing hosts ng “Love, Jona” na ididirek ni Frank Mamaril, habang sina Edward at Samm Alvero naman ang hosts ng “Hearts On Fire: Juris and Jed” na pangungunahan ng direktor nito na si Marvin Caldito. Hatid ng YouTube Philippines ang mga proyektong ito sa ilalim ng produksyon ng ABS-CBN Music.

 

Inaasahang maghahatid ng bonggang production at makatindig-balahibong song numbers ang “YouTube Music Night” na programa ng YouTube sa bansa. Ito ang kauna-unahang “YouTube Music Night” sa Southeast Asia.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE