News Releases

English | Tagalog

Mga Kapamilya, umani ng parangal sa 23rd Gawad PASADO at Gawad PCU

October 12, 2021 AT 08:06 PM

ABS-CBN Film Restoration leads Kapamilya winners at the 23rd Gawad PASADO

ABS-CBN Film Restoration led the Kapamilya winners at the 23rd Gawad PASADO, which recognizes outstanding films, programs, and champions of education and the arts.

Paulo at Jodi, PinakaPASADONG Aktor at Aktres sa Telebisyon

Sari-saring parangal ang iginawad ng akademya sa mga personalidad mula sa ABS-CBN para sa kanilang husay sa kanilang larangan at mga adbokasiya.

Sa 23rd Gawad PASADO noong Sabado (Oktubre 9), kinilala bilang PinakaPASADONG Aktor sa Pelikula at sa Telebisyon si Paulo Avelino para sa pelikulang “Fan Girl” at teleseryeng “Walang Hanggang Paalam,” na nagwagi namang PinakaPASADONG Programa sa Telebisyon.

Pinarangalan din si Jodi Sta. Maria bilang PinakaPASADONG Aktres sa Telebisyon para sa “Ang Sa Iyo Ay Akin,” habang PinakaPASADONG Mamamahayag sa Larangan ng Kamalayang Pilipino (Radyo at Telebisyon) ang “TV Patrol” at “Lingkod Kapamilya” anchor na si Bernadette Sembrano.

Tinanggap naman ni ABS-CBN Film Restoration head Leo Katigbak ang Gawad Dangal ng PASADO sa Pagsisinop ng mga De Kalibreng Pelikulang Pilipino na iginawad sa kanyang dibisyon na nasa likod ng kampanyang Sagip Pelikula.

“When we started Film Restoration many years ago, ang intensyon po namin ay bigyang buhay muli ang mga pelikula ng kahapon para po ma-appreciate ng mga susunod na henerasyon. At sana po kami ay nagtagumpay sa inyong mga mata dito sa aming adhikain na ito. Maraming, maraming salamat po uli para sa award,” pahayag ni Leo.

Taunang isinasagawa ang Gawad PASADO ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro upang magbigay pugay sa mga natatanging pelikulang Pilipino at palabas, at mga nagtataguyod sa edukasyon at sining.

Samantala, nanguna naman sina ABS-CBN chairman Mark Lopez at ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak sa mga pinarangalang Kapamilya sa 1st Gawad Dr. Junifen F. Gauuan para sa Sining at Kultura na isinagawa sa ika-75 anibersaryo ng Philippine Christian University.

Parehong tumanggap ng Gawad Sining at Kultura para sa Malaya at Responsableng Pamamahayag at Maka Pilipinong Adhikain sa Bagong Siglo ang dalawang opisyal ng ABS-CBN.

Gawad Sining at Kultura para sa Komunikasyon at Relihiyong Pag-aaral naman ang ibinigay kay TeleRadyo anchor Bro. Jun Banaag ng programang “Dr. Love.” Pinarangalan din si Loren Legarda, ang host ng “Dayaw” sa ANC, ng Gawad Sining at Kultura para sa Paglinang ng Kulturang Pilipino. Si Margarita Fores naman ng "My Italy with Margarita" sa Metro Channel, ay ginawaran ng Gawad Sining at Kultura para sa Pagpapalaganap ng Kulinaryang Pilipino.

Para sa updates sa ABS-CBN, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE