News Releases

English | Tagalog

Bagong K-pop show at "PBB" Season 10, libre sa iWantTFC ngayong Oktubre

October 15, 2021 AT 02:35 PM

Isang malaking “happy place” ang iWantTFC ngayong Oktubre dahil bukod sa marami itong libreng pelikula at serye, handog din nito ang tatlong bagong shows na magbibigay ng good vibes at inspirasyon sa mga manonood.
 
Sumama sa muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” Celebrity Edition ngayong Sabado (Oktubre 16). Exciting ang bagong season dahil 12 sikat na personalidad, tulad nina volleyball superstar Alyssa Valdez at aktres na si Alexa Ilacad, ang magpapakita ng lakas ng loob at pagpapakatotoo sa iba’t ibang tasks.
 
Masusundan din ang pagbubuo ng susunod na iconic K-pop group kapag nanood ng girls group debut survival program na “Who is Princess?." May bagong episode ito kada linggo tampok ang 15 Japanese trainees na dadaan sa apat na buwang masusing training at maglalaban para mapabilang sa isang bagong five-member idol group.
 
Sa Oktubre 30, patutuluyin naman ng sikat na chef at negosyanteng si Happy Ongpauco-Tiu ang viewers sa lifestyle show niyang “Happy Place.” Dito ibabahagi niya ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya bilang ina at asawa, boss, babae, at culinary artist gaya ng paboritong family moments, putahe, libangan, at iba pa para ma-inspire ang iba na maghanap ng saya sa araw-araw.
 
Aapaw din ang good vibes at heartwarming moments sa iWantTFC original na “Hoy Love You Two.” Sa pagpapatuloy ng kwento ngayong weekend, magpapatong-patong ang mga problema ng mag-asawa pagkatapos mahuli ni Marge (Roxanne Guinoo-Yap) na may kahalikan si Jules (Joross Gamboa). Dagdag pa sa iisipin nila ang biglaang pagkakawala ni Charles (Aljon Bautista).
 
Bukod naman sa mga ito, libre rin ang streaming sa iWantTFC app at website (iwanttfc.com) ng ABS-CBN classics gaya ng “Be Careful With My Heart,” “Got To Believe,” “Forevermore,” “Dolce Amore,” “Be My Lady,” pati na ng iWantTFC originals na “Bawal Lumabas,” “Oh Mando,” “Unloving U,” ”Call Me Tita,” “Jhon en Martian,” “My Single Lady,” at “Taiwan That You Love.” Pagsaluhan naman ang katatawanan kasama ang mga kaibigan sa libreng panonood ng “Sisterakas,” “Past Tense,” “Beauty in A Bottle,” “Girl Boy Bakla Tomboy,” “This Guys in Love With U Mare,” “Supahpapalicious,” “Ang Babae sa Septic Tank 3,” “Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme,” “You Changed My Life,” at marami pang iba.
 
Panoorin ang mga ito nang libre sa iWantTFC app at website (iwanttfc.com). Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.
 
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFCo sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.