Pageant fans all over the nation can watch the live telecast of The 70th Miss Universe Competition on A2Z channel 11 on December 13 starting at 7:30 am.
Panoorin ng LIVE sa A2Z sa Disyembre 13
Masasaksihan ng mga Pilipino ang pinakamagandang araw sa sansinukob bilang opisyal na partner muli ang ABS-CBN ng Miss Universe 2021.
Mapapanood ng pageant fans sa buong bansa ang 70th Miss Universe Competition ng LIVE ngayong Disyembre 13 simula 7:30 ng umaga sa A2Z channel 11.
Gaganapin sa Eilat, Israel ang coronation night na muling ipapalabas sa A2Z sa parehong araw ng 11 pm at mapapanood muli sa mga susunod na araw sa ABS-CBN cable channels na Kapamilya Channel at Metro Channel, at online sa iWantTFC.
Dahil dito, mas marami pang Pilipino ang makakasunod sa laban at makakapagbigay suporta kay Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez, na nais maging ika-limang winner sa prestihiyosong pageant na ito mula sa Pilipinas. Noong Mayo, inihatid rin ng ABS-CBN ang Miss Universe 2020 ng live sa mga Pilipino sa pamamagitan ng A2Z.
Galing Cebu City si Beatrice, na kamakailan lang kinoronahan bilang kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe 2021. Dinaig ng 26-taon gulang ang 27 pang ibang delegado at nag-uwi pa ng apat na special awards kabilang ang Best in Swimsuit at Best in Evening Gown.
Nagningning rin siya sa question-and-answer portion kung saan sinabi niyang patuloy siyang magbibigay ng inspirasyon sa iba maski dumaan sa mga pagsubok sa kanyang reign.
“I will not give up and inspire others by rising to the problems that I am encountering and by inspiring them that whatever you’re going through, you will be able to overcome it,” aniya.
Makakaharap ng Pinay beauty queen ang mga kandidata mula sa iba’t ibang bansa sa mundo na nagnanais manahin ang koronang suot ngayon ni Miss Universe 2020 Andrea Meza ng Mexico. Maaari siyang suportahan ng publiko sa pamamagitan ng pagboto sa kanya sa Miss Universe app para sa pwesto sa semifinals.
Panoorin ang 70th Miss Universe Competition live mula sa Eilat, Israel sa Disyembre 13, 7:30 am sa A2Z channel 11 at sa replay ng 11 pm. Ipapalabas ito muli sa Kapamilya Channel sa Disyembre 19 sa “Sunday’s Best” at sa Metro Channel sa Disyembre 20, Disyembre 22, at Disyembre 25. Isi-stream din ang mga replay na ito sa iWantTFC.
Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bumisita sa abs-cbn.com/newsroom.