Airing on Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, and iWantTFC, this year’s ABS-CBN Christmas Special will pay tribute to the country’s everyday heroes from different sectors who have selflessly devoted themselves to serve their fellow Filipinos and have sparked hope in the hearts of many.
Mahigit 100 Kapamilya stars, andito para maghatid ng saya sa Kapaskuhan
Isang maningning na gabi kasama ang Kapamilya stars ang magbibigay saya at sorpresa sa lahat ng Pilipino sa gaganaping “Andito Tayo Para Sa Isa’t Isa: The ABS-CBN Christmas Special 2021” sa Disyembre 18 (Sabado) ng 8 pm.
Mapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC ang ang inaabangang Christmas Special na handog ng mga Kapamilya sa everyday heroes sa ating lipunan na walang humpay sa pagpapakita ng kabutihan na nagsilbing ilaw ng pag-asa ng bayan.
Sa ikalawang pagkakataon, ang Kapamilya actor, dancer, at ngayo’y director na si John Prats ang magdi-direhe ng Christmas Special, kung saan tampok ang ilang kinatawan sa mga sektor ng lipunan at higit sa 100 bituin mula sa iba’t ibang programa sa ABS-CBN. Makakasama rin ang ilang mamamahayag sa ABS-CBN News, mga social media sensation, at maging international artists.
“Makakasama niyo na kami para i-celebrate ang Pasko sa Andito Tayo Para Sa Isa’t Isa. It’s the ABS-CBN Christmas Special 2021 and you can watch it on December 18 at 8 pm kaya magkita-kita tayo,” ani Gary Valenciano sa isang video message.
Samantala, may handog ding isang mahiwagang regalo ang Star Magic sa mga Pilipino sa “Star Magical Christmas: The Star Magic Christmas Special 2021” na magsisilbing pre-show sa ABS-CBN Christmas Special. Mapapanood ito sa ABS-CBN Entertainment YouTube Channel ng 4 pm sa Sabado (Disyembre 18) at isi-stream din sa YouTube channels ng Star Magic, Showtime Online Universe, ABS-CBN Star Hunt, Rise Artists Studio, Star Music, at MYX Global.
Magtatanghal dito para sa benepisyo ng Bantay Bata 163 ng ABS-CBN Foundation ang mga artist sa ilalim ng Star Magic, Polaris, Star Hunt, at Rise Artists Studio, kasama ang “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” housemates.
Tulad ng taunang ABS-CBN Christmas ID, bahagi na rin ng Pasko ng Pamilyang Pilipino ang engrande at makabuluhang Christmas Special ng ABS-CBN. Bukod sa mga pasabog na performance, inaabangan din ang mga nakaaantig na kwento at napapanahong mensaheng nakapaloob dito. Noong 2020, nagsilbi ring fund-raising activity ang Christmas Special para sa mga biktima ng bagyo.
Huwag palampasin ang isang gabi na puno ng saya at sorpresa ngayong Kapaskuhan sa “Andito Tayo Para Sa Isa’t Isa: The ABS-CBN Christmas Special 2021” na mapapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, at TFC ng 8 pm. Bago iyan panoorin din ang “Star Magical Christmas: The Star Magic Christmas Special 2021” sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel ng 4 pm.
Para sa ibang balita tungkol sa ABS-CBN, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa
www.abs-cbn.com/newsroom.