Ginamit ng mga kaaway ni Cardo (Coco Martin) ang sarili nitong pamilya laban sa kanya! Napilitan si Lolo Delfin (Jaime Fabregas) na traydurin ang apong si Cardo para isalba ang buhay ni Lola Flora (Susan Roces) sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Kumagat si Delfin sa bitag ng kaaway matapos siyang ma-corner ng isang colonel na dati niyang kaibigan at may koneksyon kay Renato (John Arcilla). Dahil sa pagbabanta sa buhay ni Flora, napilitin si Delfin na bumigay sa inuutos ng mga dumakip sa kanya – ang papuntahin si Cardo sa bagong hideout para mahuli nila ito.
Bagama’t masakit sa kalooban niya ang ginawa, nagdadasal si Delfin na mapapatawad siya at maiintindihan ni Cardo lalo pa’t buhay ni Flora ang nakasalalay.
Marami ang humahabol kay Cardo dahil sa malaking pabuyang nakapatong sa ulo niya, kabilang na si Armando (John Estrada). Ang plano ni Armando, paulanan ng kabutihan si Cardo at ibaon ito sa utang na loob nang sa ganoon ay makuha niya ang tiwala nito bago isuko sa mga otoridad.
Sa susunod na linggo sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” masasaksihan na rin ang pagbabalik ni Aurora (Sharon Cuneta) sa Pilipinas para makapiling ang nag-aagaw-buhay na ama niyang si Don Ignacio (Tommy Abuel) at balikan ang masakit na nakaraang pilit niyang kinakalimutan.
Paano makakawala si Cardo mula sa bitag ng kaaway? Makuha nga kaya ni Armando ang tiwala ni Cardo?
Huwag palampasin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano.” Mapapanood din sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV ang “FPJ’s Ang Probinsyano,” na nanguna sa listahan ng mga pinakapinapanood na TV programs sa multicultural Asian homes sa U.S. noong Setyembre.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.