News Releases

English | Tagalog

Paulo at Janine, mag-asawa na sa "Marry Me, Marry You"

December 07, 2021 AT 03:12 PM

Nagpalitan na ng ”I do” sina Andrei at Camille (Paulo Avelino and Janine Gutierrez) pagkatapos nilang magpakasal sa isang simpleng civil wedding sa Kapamilya teleseryeng “Marry Me, Marry You,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. 

Bagama’t labag sa kanilang kalooban ang magpakasal nang hindi nila kapiling ang kanilang mga mahal sa buhay, nagdesisyon silang ituloy pa rin ito dahil nagbabakasali silang ito ang magiging daan upang magkaayos ang kanilang mga pamilya. Ngayon naman, sinusulit ng bagong kasal ang kanilang honeymoon kung saan malayo sila sa mga isyung kinasasangkutan ng kanilang mga pamilya.

Pinapangako naman ni Andrei kay Camille na tutuparin niya ang dream wedding nito, pati na rin ang hiling nilang dalawa na magkapatawaran ang kanilang mga magulang para maging isang buo at masayang pamilya na sila. 

Subalit lalo lang iinit ang ulo ni Laviña (Teresa Loyzaga), ang step-mom ni Andrei na matagal nang kumokontra sa relasyon nito kay Camille. Sa tulong nina Patricia (Iana Bernardez) at Cedric (Jake Ejercito), ipapalabas ni Laviña na kriminal at magnanakaw si Camille at ang pamilya nito.

Hindi pa roon matatapos ang mga problema ni Camille dahil malalagay sa panganib ang buhay ni Victor (Lito Pimentel), ang itinuturing niyang pangalawang ama, nang bigla siyang mahimatay. 

Ano ang plano nina Andrei at Camille para malagpasan ang kanilang mga problema? Kailan matatauhan si Laviña sa kanyang masasamang gawain?

Subaybayan ang “Marry Me, Marry You” gabi-gabi tuwing 8:40 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood ito sa TV5 at A2Z.

Mapapanood din sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV ang  “Marry Me, Marry You,” na nakasama sa listahan ng mga pinakapinapanood na TV programs sa multicultural Asian homes sa U.S. noong Setyembre. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.