News Releases

English | Tagalog

Tambalan nina Charlie at Jameson, magpapakilig sa "MMK"

February 12, 2021 AT 07:40 PM

Maghahatid ng kilig ang Metro Manila Film Festival best actress na si Charlie Dizon at Jameson Blake ngayong Sabado (Pebrero 13) sa kanilang pagganap bilang high school sweethearts na susubukin ang relasyon sa pagpasok ng dalawang tao sa buhay ng bawat isa.    

   

Mula sa magkaibang mundo sina Gerard (Jameson) at Jobel (Charlie)—kilalang heartthrob at happy go lucky si Gerard at anak-mayaman, samantalang class valedictorian at scholar naman si Jobel.    

   

Kahit malaki ang pagkakaiba, inagbuklod sila ng kanilang pagmamahal sa isa’t isa.  Ngunit susubukin sila ng panahon nang tumuntong sila ng kolehiyo kung saan parehas silang kumukuha ng kursong nursing. Dahil sa pagiging palabiro ni Gerard, mauugnay siya sa isang babae.    

   

Hindi nagtagal, mapapagtanto rin niya ang pagkakamali at babalik kay Jobel.  Subalit sa pagrereview ni Jobel sa nursing board exams, makikilala niya si Christian (Jason Dy), isang masipag at maka-Diyos na binata.   

   

Ano kaya ang magiging papel ni Christian sa pag-iibigan nina Gerard at Jobel? Mahulog kaya si Jobel dito? Paano na kaya si Gerard?   

   

Sundan ang mga kwento ng pa-ibig mula sa “MMK” tuwing Sabado, 8:45 PM ngayong Pebrero sa A2Z sa free TV at digital TV boxes tulad ng TVplus. I-scan lamang ang digital TV box para hanapin ang A2Z channel sa Metro Manila at sa ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.   

   

Mapapanood rin ito tuwing Sabado, 9 PM sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 SD at channel 167 HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at sa karamihang channels na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association) at digital TV boxes. Sa online, ito ay nasa Kapamilya Online Live YouTube channel at sa ABS-CBN Entertainment Facebook page, pati na rin sa TFC, iWant app o iwanttfc.com. Maaaring para naman sa manonood sa ibang bansa, masusundan ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.   

   

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o visitwww.abs-cbn.com/newsroom.