Janine says ABS-CBN offers limitless opportunities...
Personal ang naging desisyon ng award-winning actress na si Janine Gutierrez na maging isang Kapamilya at isa raw ang naging dahilan nito ay ang patuloy na paglalabas ng ABS-CBN ng mga de-kalidad na programa para sa mga manonood.
Pagbabahagi ni Janine sa unang media conference niya noong Martes (Pebrero 2) bilang isang ABS-CBN talent, namamangha siyang nagagawa pa rin ito ng ABS-CBN sa kabila ng mga pinagdaanan nito noong nakaraang taon.
“ABS-CBN will always be ABS-CBN. Personally I’m amazed at how despite the situation, ABS-CBN comes up with so much quality content, at syempre, ang mga Kapamilya hindi bumibitaw. Everything is also digital. The opportunities are limitless ngayon,” sabi niya.
“I really wanted to grab this opportunity and make new projects, be part of new stories, work with new people. Kahit ano pa man ang sitwasyon, masaya ako na nandito ako sa ABS-CBN,” dagdag niya.
Matapos ngang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN ni Janine noong Enero, napanood na siya ng viewers sa longest-running musical variety show sa bansa na “ASAP Natin ‘To.”
Inanunsyo rin niya sa naturang media conference na gagawa siya ng isang teleserye at isang pelikula sa ilalim ng Star Cinema na dapat abangan ng viewers.
“I’m so happy to be here and to be given the opportunity to be a Kapamilya. Excited akong makilala lahat ng mga Kapamilya, pati mga Kapamilya abroad,” sabi ng aktres.
Bagama’t hindi pa maaaring ibahagi ni Janine ang detalye ng upcoming projects niya, ikinwento naman niyang gusto niyang makatrabaho ang ilang iniidolong artista sa ABS-CBN, gaya nina Anne Curtis, Angelica Panganiban, Angel Locsin, Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, at Liza Soberano.
“So many women I look up to with so many good projects na it’s a mixture of ang ganda ng teleserye niya pero nakakagawa siya ng magandang pelikula. Ang ganda ng takbo ng mga career nila. Ang dami ko talagang iniidolo dito,” kwento ni Janine.
Bukod sa kanila, gusto rin daw niyang makatrabaho sina Paulo Avelino, Enchong Dee, Jericho Rosales, JC Santos, Carlo Aquino, at Gerald Anderson.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.