News Releases

English | Tagalog

Loisa at Ronnie, bawal magkatuluyan sa "Unloving U" ng iWantTFC

February 03, 2021 AT 06:21 PM

Loisa and Ronnie push the bounds of forbidden love in their first iWantTFC original series "Unloving U"

Will Fiona be able to ignore her love for Alfie? How will her love for him affect their relationship with their parents?

Isang bawal na pagmamahalan ang magdadala ng kilig at hugot ngayong buwan ng mga puso sa kwentong pagbibidahan nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa kanilang kauna-unahang iWantTFC original series na “Unloving U." Mapapanood ito ng standard and premium subscribers sa buong mundo simula Pebrero 8 (Lunes).

Sa simula pa lamang ay hindi na magkasundo ang step-siblings na sina Fiona (Loisa) at Alfie (Ronnie) ngunit mapipilitan silang magsama sa iisang bahay pagkatapos magpakasal ng kanilang mga magulang (Ariel Rivera at Gelli de Belen).

Dahil magkaiba ang mga personalidad, laging mauuwi sa awayan at hindi pagkakaunawan ang samahan nina Fiona at Alfie. Pero dahil sa pagmamahal nila sa musika, makikilala nila ang isa’t isa at mas lalalim ang kanilang relasyon.

Sa kabila ng mga pang-aasar nila sa isa’t isa, mas magiging komplikado pa ang kanilang pagsasama dahil unti-unting mahuhulog ang loob ni Fiona kay Alfie pero patago ang pagmamahal niya para rito.

Dahil alam ni Fiona na hindi kailanman magiging sila ni Alfie, susubukan niyang kalimutan ang nararamdaman kahit nasasaktan na ang kanyang puso.

Magawa kayang talikuran ni Fiona ang kanyang pagmamahal para kay Alfie? Paano nito maaapektuhan ang relasyon nila sa kanilang mga magulang?

Makakasama rin sa “Unloving U” ang “The Squad Plus” members na sina Sam Cruz, KD Estrada, at Anji Salvacion, at mula naman ito sa direksyon ni Easy Ferrer.

Napapakinggan na rin sa iba’t ibang online music streaming platforms ang official soundtrack ng serye na mayroong apat na kanta mula kina Loisa, Sam, KD, at Anji tulad ng “Kaya Pala,” “Saves It,” at “Keeps on Coming Back.”

Mapapanood ng standard and premium subscribers ang “Unloving U” sa darating na Pebrero 8 sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Mayroon itong anim na episodes na isa-isang ilalabas araw-araw tuwing 8 PM hanggang Pebrero 13. Mapapanood din ang mga ito sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa mga piling smart TV brands, ROKU streaming devices at Telstra TV para sa users na nasa labas ng Pilipinas. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC, o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.