News Releases

English | Tagalog

Mga kababayang pilipino sa Baguio, binisita ni Angel sa "Iba Yan

February 04, 2021 AT 06:38 PM

Tuloy-tuloy ang paghanap ni Angel Locsin sa iba't ibang Pinoy heroes ng bansa sa gitna ng pandemiya, ngayon naman sa Baguio sa darating na Linggo (Pebrero 7) sa "Iba Yan." 

 

Lilibutin ni Angel Locsin ang 'Summer Capital' ng bansa gamit ang Baguio Soligmay Creative Jeepney sa tulong ng Grail Lomas-E, isang tour guide na sinubok ng pademiya ngunit nakahanap ng paraan para ipagpatuloy ang hanapbuhay sa pag-'virtual guiding.' 

 

Viewers will get to hear heartwarming stories of hope and resilience among Baguio citizens—Wright Park pony boy Licoy, the strawberry taho vendor Arnel, and working student JM—who struggled as the pandemic greatly reduced their sources of income. 

 

Matutunghayan rin ng manonood ang mga kwento ng pag-asa at tibay ng mga Baguio citizens na naapektuhan ang hanapbuhay dahil sa pandemya. Kasama dito ang Wright Park pony boy na si Licoy, ang strawberry taho vendor na si Arnel, at ang working student na si JM. 

 

Samantala, hindi naman natatapos dito ang pagtulong ni Angel sa ating mga kababayan sa pagkwento ng kanilang mga pinagdaanan. Nakipagsanib-pwersa din ang show niya sa "Trabahanap" para makatulong sa paghahanap ng trabaho ng mga Kapamilya.  

 

Sa 'Trabahanap sa Iba Yan,' ina-announce ni Angel ang mga trabahong pwedeng applayan ng mga Kapamilya. Linggo-linggo rin niyang pinaaalala ang paraan para magregister sa Trabahanap.com.  

 

Napapanood ang Iba Yan tuwing Linggo, 6:30 PM sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live, samantalang 7:30 PM naman sa A2Z Channel. 

 

Sundan ang “Iba Yan!” sa facebook.com/IbaYanPH, twitter.com/ibayanph, at instagram.com/ibayanph. Maaari rin mag-join sa Facebook Community Group ng “Iba ‘Yan”: facebook.com/groups/ibaYanPH/ 

 

Para sa iba pang updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram, o magpunta sa www.abscbnpr.com