GSAT subscribers can feel the love throughout February with OPM band Ben&Ben as MYX Headliner and singer-songwriter Ace Banzuelo on MYX Spotlight.
Numero unong music channel sa bansa mapapanood na sa GSAT channel 35
Mas marami pang viewers ang pwedeng ma-enjoy ang pinakabagong music videos at eksklusibong musical events dahil mapapanood na rin sa direct-to-home (DTH) satellite TV service na GSAT ang MYX simula Miyerkules (Pebrero 10).
Tiyak na mapapaibig ng MYX ang GSAT subscribers ngayong buwan ng Pebrero kasama ang OPM band na Ben&Ben bilang MYX Headliner at ang singer-songwriter na si Ace Banzuelo sa MYX Spotlight. Mapapanood din nila ang “Love On MYX” tampok ang mga espesyal na mensahe at requested music videos na eere sa Valentine’s Day (Pebrero 14).
Tuloy-tuloy ang pagdiriwang ng Buwan ng Pag-ibig sa “MYX Presents” tuwing Sabado tampok ang “Baliktanaw” digital concert ni Ebe Dancel (Pebrero 13), “Ben&Ben Up Close” (Pebrero 20), at “Love Lukas” (Pebrero 27).
Sakto rin ang pagkakadagdag ng MYX sa GSAT channels sa inaabangang TV premiere ng “Kwentong Barber” ni Edward Barber kung saan bida ang kwentuhan tungkol sa buhay, pag-ibig at iba pa na mapapanood na sa MYX simula Pebrero 21 (Linggo), 8 pm.
Ka-abang-abang din ang “Myxellaneous” tuwing Martes sa numero unong music channel sa bansa, na magtatampok naman kina Paul Klein at Saweetie sa darating na Pebrero 16 at kina Dudut at Matthaios sa Pebrero 23.
Ang pagkakabilang ng MYX sa GSAT lineup ay nangyari matapos mapabilang dito ang Kapamilya Channel, Knowledge Channel, Jeepney TV, CineMo, at Metro Channel sa patuloy na paghahanap ng ABS-CBN ng paraan para mapaglingkuran ang mga Pilipino sa buong mundo sa pamamagitan ng paghahatid ng balita at impormasyon, serbisyo publiko, at entertainment.
Panoorin ang mga programa ng MYX sa GSAT channel 35 simula Miyerkules (Pebrero 10). Para sa iba pang detalye, sundan ang MYX Philippines sa Facebook (www.facebook.com/MYX.Philippines), Twitter (@MYXphilippines), at Instagram (@myxph).