News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, hinirang na TV Station of the Year sa VP Choice Awards 2020

March 10, 2021 AT 03:25 PM

ABS-CBN is TV Station of the Year at the VP Choice Awards 2020

ABS-CBN bested five other media companies for the award, which is given to the network that continues to provide “high-quality news and entertainment shows that remain on top of the viewers’ favorite lists.”

Kathryn at Daniel, tinanghal na “TV Icons of the Decade”

Patuloy na nakatatanggap ng pagmamahal ang ABS-CBN at Kapamilya stars matapos umani ng parangal sa VP Choice Awards 2020 kamakailan lang, kabilang ang TV Station of the Year.

Mula sa anim na nominado, ABS-CBN ang kinilala para sa paghahatid nito ng de-kalidad na programa, news man o entertainment, na kinagigiliwan ng mga manonood.

Wagi naman ang Kapamilya teleserye na “Love Thy Woman” bilang TV Series of the Year sa pagpukaw nito ng puso ng mga Pilipino habang TV Actor of the Year naman ang isa sa mga bida nito na si Xian Lim.

Kinilala rin ang dedikasyon sa pag-arte nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na binotong TV Female Icon at TV Male Icon of the Decade. Ang “KyCine” naman nina Kyle Echarri and Francine Diaz ang tinanghal na Loveteam of the Year.

Panalo rin sa VP Choice Awards ang iba pang Kapamilya tulad nina “Fan Girl” star Charlie Dizon (Movie Actress of the Year), Andrea Brillantes (TikTok Star of the Year), Ivana Alawi (Breakthrough Social Media Star of the Year), Sarah Geronimo (Performer of the Year), at Francine (Promising Female Star of the Year).

Wagi rin bilang Movie of the Year ang “Fan Girl” na proyekto ng Black Sheep ng ABS-CBN Films kasama ang Globe Studios, Project 8, Epicmedia, at Crossword Productions, at Movie Director of the Year ang direktor nito na si Antoinette Jadaone.

Ang VP Choice Awards ay isinasagawa ng Village Pipol magazine upang bigyang parangal ang pinakamahusay sa mga industriya ng travel, lifestyle, technology, at entertainment. Ang mga nanalo ay base sa botohan kung saan 25% ay mula sa online votes, 25% sa Facebook shares, 30% sa editorial team, at 20% galing sa mga hurado.

Para sa balita at updates sa ABS-CBN, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.