News Releases

English | Tagalog

‘Separada’ ni Maricel, palabas sa Ricky Lee Festival ng ABS-CBN Film Restoration sa KTX

March 12, 2021 AT 10:28 AM

‘Separada’ leads Ricky Lee Festival by ABS-CBN Film Restoration on KTX

Following the premiere of “Separada,” avid moviegoers can catch Lee’s restored masterpieces in high definition, such as “Himala,” “Minsan Lang Kita Iibigin,” “Anak,” “Patayin sa Sindak si Barbara,” and more.

Dialogue ni Maricel Soriano, patok na patok sa TikTok

Bibigyang pugay ng ABS-CBN Film Restoration at ng Sagip Pelikula ang kontribusyon ng premyadong screenwriter sa bansa na si Ricky Lee sa premiere ng digitally restored at remastered version ng “Separada” sa darating na Marso 15 (Lunes), na susundan ng pagpapalabas muli ng ilan pang mga obra niya sa KTX.ph. 

Sa panulat nina Lee at Tessie Tomas at direksyon ni Chito S. Roño, tampok sa 1994 film ng Star Cinema na ni-restore sa tulong ng Central Digital Lab Inc., ang dekalibreng pagganap ng nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano, kasama sina Edu Manzano, Sharmaine Arnaiz, Dennis Roldan, Liza Lorena, Teresa Loyzaga, Lani Mercado, Patrick Garcia, Angelica Panganiban, at iba pa. 

Hatid ng “Separada” ang kwento ni Melissa (Maricel), isang matagumpay na advertising executive na namumuhay nang masaya sa piling ng kanyang asawang si Dodie (Edu) at kanyang mga anak na sina Vincent (Patrick) at Jenny (Angelica). Ngunit paunti-unting masisira ang kanilang pamilya dahil sa pambababae ng kanyang asawa matapos makilala si Sandy (Sharmaine) na kalaunan ay mabubuntis nito. 

Dahil dito, mapipilitan si Melissa na buhayin ang kanyang pamilya bilang ulirang ina, pero sa tulong ng kanyang mga kaibigan at mga anak, kakayanin niya ang mga hamong dulot nito. 

Magkakaroon ng pre-show kasama sina Chito Roño, Tessie Tomas, Raquel Villavicencio, Sharmaine Arnaiz, at si Lee mismo bago ganapin ang premiere ng “Separada.”  Mabibili na ang tickets sa https://bit.ly/SeparadaOnKTX, sa halagang P150. 

Mapapanood ang iba pang pelikula ni Lee tulad ng “Himala,” “Minsan Lang Kita Iibigin,” “Anak,” “Patayin sa Sindak si Barbara,” at iba pa sa KTX.ph mula Marso 16 hanggang Abril 16. 

Nalaman din kamakailan ni Maricel na sikat sa Tiktok ang hindi malilimutang eksenang harapan sa pelikula niyang “Minsan Lang Kitang Iibigin” kung saan ginagaya ito mga netizen.

“Maganda ‘yang kinuwento mo sa akin kasi ngayon ko lang narinig ‘yan. Maghahanap ako dito sa mga kasama ko sa bahay tatanungin ko pa ‘ipanood mo nga sa akin ‘yung huwag mo akong ma-Terry Terry,’” sambit ni Maricel nang malaman sa isang press conference ang kasikatan ng nasabing eksena.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE