Inspired by 8-bit theme songs from old video games, the Kapamilya artist self-produced a unique take on the Air Supply classic.
Bibigyan ng former “Idol Philippines” finalist na si Miguel Odron ng R&B twist ang isa sa greatest hits ng Air Supply na “Lost In Love,” na ilulunsad ng Tarsier Records sa darating na March 26 (Biyernes).
Kwento ni Miguel, prinodyus niya ang kanta habang nasa Siargao siya kaya resulta nito ang “breezy, island energy” na mararamdaman sa awitin.
Inspired sa 8-bit theme songs ng lumang video games, nilapatan ng Kapamilya artist ang Air Supply classic ng tunog bossa nova at syempre kalakip din ang kanyang smooth vocals.
“Personally I’d listen to this on the road, while working out, or whenever I just wanna chill out. It’s the kind of song that doesn’t need your full attention to be appreciated, it can just chill out in the back,” pagbabahagi niya.
Talaga namang excited ang singer-songwriter sa pag-awit ng kantang kilala ng music fans sa buong mundo. Aniya, imbes na ma-pressure sa tagumpay ng awitin ay in-enjoy niya ang pagreproduce ng kanta na parang siya ang nagsulat nito.
Ang rendisyon ni Miguel ng “Lost In Love” ay bahagi ng sunod-sunod na Air Supply remakes na ilalabas ng Tarsier Records na mapapabilang sa isang compilation album na nakatakdang ilabas sa pagtatapos ng 2021.
Sinundan nito ang reimagined version ng “All Out Of Love” na inilabas naman ni Inigo Pascual noong Pebrero.
Mula sa panulat ng miyembro ng Air Supply na si Graham Russell, ang “Lost In Love” ay inilabas taong 1980 at naging no. 3 sa US Billboard Hot 100.
Abangan ang bersyon ni Miguel ng “Lost In Love” sa darating na March 26 (Biyernes). Para sa updates, sundan ang Tarsier Records sa social media accounts nito @tarsierrecords.