News Releases

English | Tagalog

Balik-Kapamilyang si Sheryn Regis, may kanta tungkol sa ghosting

March 25, 2021 AT 04:42 PM

Sheryn belts out a ghosting tale in new song

The ballad “Tulad ng Dati" ponders on one’s experience of rejection and trying to find answers after she is left hanging on to the feelings without apparent warning.

“Tulad ng Dati” streaming na sa March 26

Balik Kapamilya ang tinaguriang power belter na si Sheryn Regis na may bagong single mula sa ABS-CBN record label na Star Music.

Bongga ang homecoming single niya na pinamagatang “Tulad ng Dati” na tungkol sa “ghosting” o karanasan ng isang tao sa paghahanap ng sagot pagkatapos niyang maiwan sa ere sa hindi inaasahang pagtatapos ng relasyon.

“Ito ang unang original song ko after 10 years na nawala ako sa Pilipinas,” kwento ni Sheryn. “Ito ay ang kantang maraming makaka-relate kasi maraming nakaka-relate sa ghosting at sa sakit ng pagmamahal.”

Mapapakinggan na sa iba’t ibang music streaming services simula ngayong Biyernes (March 26) ang “Tulad ng Dati” na Inspired ng iba-ibang kwento ng hiwalayan ngayong pandemya.

Tampok rito ang tatak Sheryn sa pagkanta at ang tunog na indie-pop na nagbibida sa masakit na kwento nito. Ang madamdaming ballad ay hango sa komposisyon ni Kiko Salazar na iprinodyus naman ng March On Entertainment.

Kilala bilang Crystal Voice of Asia sa halos dalawang dekadang nagdaan, nagsilbing boses si Sheryn ng maraming theme songs ng mga teleserye ng ABS-CBN at nasungkit din niya ang apat na multi-platinum awarded albums at limang gold record awards.

Ang karanasan niya sa iba-ibang genre tulad ng country, rock, R&B, at gospel sa paninirahan niya sa US ay naghanda sa kanya para sa isang bigating OPM comeback ngayong 2021.

Muling ipinamalas ni Sheryn ang kanyang natatanging galing sa pagkanta sa Himig 11th Edition finals night noong Linggo. Napapanood din siya sa kasalukuyang bilang host ng “Kalderoke: The Singing and Cooking Showdown” sa Kapamilya Channel.

Para sa karagdagang impormasyon sa musika ni Sheryn, i-like ang Star Music sa Facebook (fb.com/starmusicph), at i-follow ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.        

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE