News Releases

English | Tagalog

Libreng movies, travel shows sa iWantTFC ngayong summer

March 30, 2021 AT 03:43 PM

Beat the heat with summer movies, travel shows on iWantTFC

Make the most out of the summer season by watching these movies and series on the iWantTFC app (iOs and Android) or on iwanttfc.com.

Kahit nasa bahay lang ngayong summer, dagdagan ng kulay at saya ang pakikipag-bonding kasama ang pamilya sa panonood ng mga libreng pelikula at series sa iWantTFC streaming service ngayong Abril at Mayo.

Tumakas sa iba’t ibang lugar sa loob at labas ng bansa kapag nanood ng movies na “Meet Me in St. Gallen,” “No Other Woman,” “Kailangan Kita,” “Suddenly It’s Magic,” “Forevermore,” “All My Life,” “Summer Love,” at ang May-December romance sa “Glorious.”

Kiligin naman sa original titles ng iWantTFC tulad ng “Me & Mrs. Cruz,” ang pinakabagong episode ng “Ampalaya Chronicles” tampok sina Ina Raymundo at Paulo Angeles, ang “Unloving U” romcom series nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte,  “Taiwan That You Love” na pinagbibidahan ni Barbie Imperial, at ang “Silly Red Shoes” at “Wild Little Love” ng “The Gold Squad.”

Pwede ring makasama sa saya at paglalakbay sa iba-ibang parte ng mundo sa iWantTFC originals na “Aja! Aja! Tayo sa Jeju,” kasama sina Robi Domingo, Kristel Fulgar, Shine Kuk, at Donny Pangilinan para ipasyal ang South Korea, “Unlisted,” tampok ang mga hindi kilalang tourist destinations sa Pilipinas, “Wreck Hunters,” kung saan makikita ang iba’t ibang underwater wrecks sa bansa, at “Find the Wasabi in Nagoya,” isang reality-game travelogue kasama si Khalil Ramos.

Handog din ng iWantTFC ang iba’t ibang lifestyle shows ng Metro. Gumala sa mga restaurant sa New York sa “The Crawl,” sa mga beach sa Pilipinas sa “Beached,” tikman ang iba’t ibang putaheng Pinoy sa “Chasing Flavors,” at magbakasyon kasama si Pia Wurtzbach sa “Pia’s Postcards.”

Pasayahin ang summer ngayong taon at panoorin ang mga ito sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Mapapanood din ang mga ito sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via chromecast at airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC.  Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.