News Releases

English | Tagalog

Dan Ombao, patuloy na umaasa sa pag-ibig sa awiting "Saranggola"

March 04, 2021 AT 02:39 PM

Dan Ombao soars high in new single "Saranggola"

Dan's new “hugot” track "Saranggola" signifies hope for a reunion with a special someone despite knowing that the relationship is already over. 

Isa na namang hugot track ang nakatakdang ilabas ng singer-songwriter na si Dan Ombao sa awiting “Saranggola” na maririnig na simula ngayong Biyernes (March 5) mula sa Star Music.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dan (@danombao)


Hatid ng “Idol Philippines” finalist ang kantang naglalarawan ng pag-asa na magbalik ang isang minamahal sa kabila ng tuluyang pagtatapos ng kanilang relasyon.
 
Magiging bahagi ang “Saranggola” ng nalalapit na five-track debut EP ni Dan, kung saan tampok din ang kanyang first single na “Muling Maramdaman” na naging nominated sa 2021 Wish Music Awards bilang Ballad Song of the Year.

 
Noong 2019, matagumpay na inabot ng acoustic pop artist ang Top 5 ng “Idol Philippines” singing competition. Naging bahagi rin siya ng “The Voice of the Philippines” season 2 sa ilalim ng team ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.
 
Bukod sa magaling niyang pag-awit, tumutugtog din ng iba’t ibang instrumento si Dan tulad ng gitara, piano, drums, saxophone, at violin. Sina John Mayer, Charlie Hunter, at Ella Fitzgerald ang ilan sa itinuturing niyang musical influences.
 
Mapapakinggan na ang “Saranggola” ni Dan sa music screaming services simula Biyernes (March 5). Para sa karagdagang impormasyon, i-like ang Star Music sa Facebook (fb.com/starmusicph) at i-follow ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).
 
Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.        

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE