News Releases

English | Tagalog

Nawalan man ng trabaho, tubong Kalinga hinirang na Kapamilya star

April 01, 2021 AT 09:03 PM

Nawalan man ng trabaho dahil sa pandemya, natupad naman ang pangarap ng 23-taon gulang na si Ruth Paga ng Kalinga Province na maging kapamilya star matapos magwagi sa “Bida Star: Gandang Naturally Fresh” kahapon, Marso 31.    

 

Nagpursige si Ruth sa buhay sa kabila ng mga matinding pagsubok at naging vlogger bago sumali sa online star search ng ABS-CBN. Hinangaan ito ni Star Magic acting guru Direk Rahyan Carlos dahil hindi ito sumuko. "I like your  passion. You are a fighter. I like that attitude," saad ni Direk Rahyan sa huling acting challenge nila.  

 

Naiuwi ni Ruth ang titulong Ultimate Bida Star matapos makakuha ng 89.54% mula sa kumu diamonds, KTX votes, at score mula Star Magic Acting Guru to the Stars na si Direk Rahyan Carlos.  

 

"Sa lahat na naging parte ng Bida Star journey ko, thank you so much. Ang dami kong natutunan sa inyo. Nakabuo ako ng family and friends," ani ni Ruth.  

 

Nagkaroon siya ng kumpiyansa sa sarili sa tulong ni Direk Rahyan para lumabas sa kanyang comfort zone, dagdag nito. "Mas nakilala ko yung sarili ko. Kasi dati gusto ko talagang maging artista pero sobrang linilimitahan ko yung sarili ko. Sobra niya akong natulungan na lumabas sa box ko," saad ng dalaga.  

 

Bukod sa titulong Ultimate Bida Star, nanalo rin ang dalaga ng P50,000, ABS-CBN management contract, Eskinol Talent Contract, pagkakataong makasali sa Star Magic Workshop, isang digital show, at isang role sa isang digital film kasama ang ilang Kapamilya stars.  

 

Samantala, sumunod naman sa kanya si Nics Sevilla na nakakuha ng 69.37%. Umuwing 3rd placer naman si Mikaela Angela na nakakuha ng 66.98% habang ang 4th placer na si Ayra Paraiso ay nagkamit ng 39.47%.  

 

Para sa updates tungkol sa patuloy na journey ni Ruth,” i-follow lang ang Star Hunt sa Facebook (@starhuntabscbn), Kumu (@starhuntabscbn), Twitter (@starhuntabscbn), Instagram (@starhuntabscbn), at Tiktok (@starhuntabscbn).