ilipino netizens are praising Shen Yue, dubbed as the new generation Shan Cai, as Jerry Yan’s leading lady in the hit Asian series “Count Your Lucky Stars” (CLYS) on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, A2Z, and TV5.
Maraming netizens ang humahanga kay Shen Yue, ang Shan Cai ng bagong henerasyon, bilang leading lady ni Jerry Yan sa Asian series na “Count Your Lucky Stars” (CLYS) na napapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, A2Z, at TV5.
Ani ng YouTube user na si Reiri Kamura sa comments section ng Kapamilya Online Live sa YouTube, nakakakilig ang dalawang bida ng CLYS.
“Hindi halata na malaki agwat nila. Nakakakilig sila,” sabi ni Reiri sa isang episode ng CLYS na pwedeng ulit-ulitin panoorin sa loob ng pitong araw pagkatapos ito unang i-stream.
Dalawampu't apat na taon ang Chinese actress, singer, at model na si Shen Yue,nna nagbida sa 2018 edisyon ng “Meteor Garden.” Samantala, 44 taong gulang naman si Jerry Yan, ang orihinal na Dao Ming Si.
Sang-ayon naman ang ibang viewers na matindi ang chemistry ng dalawang Asian actors sa CLYS kahit malayo ang agwat ng edad.
“Bagay talaga sila na love team,” sabi ni Jenelyn Mencidor.
Kagaya ng mga naging karakter nila sa “Meteor Garden,” para ring aso’t pusa sina Andi (Shen Yue) at Calvin (Jerry Yan) na away-bati habang mas nakikilala ang isa’t isa. Sa episode noong Biyernes (Abril 16), nalaman na ni Andi na ang pagkamatay ng ina ni Calvin sa isang aksidente ang dahilan kaya tumigil siya sa pagiging designer. Matapos ikwento ni Andi kay Calvin na alam na niya ang sikreto nito, nagalit si Calvin sa pangingialam raw ng dalaga sa buhay niya.
Manlamig na kaya ang pagsasamahan ng dalawa?
Abangan ‘yan sa “Count Your Lucky Stars” tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10 pm sa Kapamilya Channel (cable), Kapamilya Online Live (Facebook at YouTube), A2Z (free TV), at TV5 (free TV). Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.