News Releases

English | Tagalog

Pinoy fans, napa-reminisce sa 18th anibersaryo ng "Meteor Garden"

May 12, 2021 AT 03:46 PM

Pinoy fans turn nostalgic as iWantTFC celebrates "Meteor Garden's" 18th anniversary

“Meteor Garden,” Thai BL series, Chinese and Korean dramas streaming in PH for free

Napabalik-tanaw ang Pinoy fans sa ika-18 taon ng unang pag-ere sa Pilipinas ng kinabaliwang Asianovela na “Meteor Garden” nang dagsain nila ng comments ang social media post ng iWantTFC na ipinagdiwang ang anibersaryo ng show.

Kasalukuyang napapanood nang libre sa Pilipinas ang Tagalized version ng orihinal na “Mateor Garden” sa iWantTFC pati na rin ang bagong Asianovela ni Jerry Yan na “Count Your Lucky Stars.”

Pahayag ni Carolyn Castiotos, “I was 9 years old when I started to collect some of F4's pictures and posters! Until now nakadikit parin sa kwarto namin.”

Sabi ni Redelene Santos, “Kay Vic Zhou ako naadik. Naglilihi pa naman ako noong ipalabas ang Meteor Garden. Sinubaybayan ko talaga ‘yan. Now ang anak ko going 18 this July, naadik naman sa K-Pop.”

Binahagi naman ni Antoneth Dy, “I was 16. I remember how I cried kay mama para ibili ako ng posters. To FIMHS batch 2004, y’all still remember how we begged our CAT teacher na tapusin ng maaga klase natin dahil ‘yung uwian eh sakto sa oras ng pinapalabas sa TV. Those days are gold.”

Ngayon naman, maraming Asianovela na ang mapagpipilian sa iWantTFC, kabilang na ang sikat na 2018 legal drama na “Suits” at ang “Story of Yanxi Palace,” na hango sa isang orihinal na Chinese novel.

May mga serye rin para sa mahilig sa Thai boys’ love at kinikilig sa heartthrobs na sina BrightWin sa “2gether: The Series” at “Still 2gether,” TayNew sa “Dark Blue Kiss,” at OffGun sa “Theory of Love.” Mapapanood din ang “A Tale of Thousand Stars,” “The Shipper,” “Come To Me,” at ang kwento tungkol sa anim na magkakaibigan sa “I’m Tee, Me Too.”

Matututukan din ang mga kwento tungkol sa pag-iibigan at madamdaming karanasan sa mga K-drama na “Gangnam Beauty,” “I Have a Lover,” “Codename: Terrius,” “Go Back Couple,” at sa sci-fi series na “I am not a Robot,” pati na rin ang mga award-winning na serye na “Love in Sadness” at “Mother.”

Mapapanood nang libre sa Pilipinas ang mga ito sa home of Asianovelas, ang iWantTFC, na available sa app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com). Mapapanood din ito sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, piling Samsung Smart TV models, at Android TV. Available na rin ang iWantTFC via chromecast at airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC.  Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.