News Releases

English | Tagalog

Jayda, ayaw ng ka-“M.U.” sa bagong single

May 18, 2021 AT 10:45 AM

Jayda releases new single “M.U.”

“M.U.” is a colloquial acronym that stands for ‘Malabong Usapan,’ and is the focal point of the song which addresses the importance of asserting security in a romantic relationship.

Patama sa mga paasa at malabong kausap
 
Palaban ang bagong single na “M.U.” ni Jayda na may patama para sa mga malabong kausap pagdating sa estado ng relasyon.
 
Pinoy slang ang “M.U.” na nangangahulugang ‘Malabong Usapan’ at ito mismo ang tema ng kanta na tungkol sa paghahanap ng seguridad sa isang relasyon. “Tungkol ang ‘M.U.’ sa kung ano ang gusto mo, deserve mo, worth mo, at tsaka ayaw mo sa isang relasyon. It’s all about wanting clarity,” ani Jayda.
 
Bagong kolaborasyon ng Kapamilya singer-songwriter ang pop track kasama ang ama niyang si Dingdong Avanzado, na kasama niya ring nagsulat ng “Paano Kung Naging Tayo?” single na inilunsad noong Pebrero lamang. Co-producer naman niya sa “M.U.” si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.
 

Samantala, mapapanood na rin ang music video ng kanta mula sa Star Music tampok si Francine Diaz, kung saan co-director si Jayda kasama si Edrex Clyde Sanchez. Unang naging direktor si Jayda ng music video para sa “Paano Kung Naging Tayo?” kung saan tampok ang dating “Pinoy Big Brother: Otso” housemate na si Rhys Miguel.
 
Bilang isa sa mga bagong breed ng OPM singer-songwriters, nakatakda na rin ang first-ever major concert ni Jayda sa June 26 (Sabado) na may re-run kinabukasan (June 27) at mapapanood via KTX.ph, iWanTTFC, at TFC IPTV. Pwede nang bumili ng ticket sa mga nabanggit na platforms sa halagang P499.
 
Pakinggan ang bagong single ni Jayda na “M.U.” sa iba’t ibang digital music platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE