TFC was the preferred Filipino channel and among the most watched multicultural networks on cable and satellite in the U.S. this past month of March says Comscore, a leading and trusted source for television viewing data.
SAN FRANCISCO, CA, May 4, 2021-- Pinangalanan ng nangunguna at pinagkakatiwalaang source ng television viewing data sa U.S. na Comscore ang overseas flagship channel ng ABS-CBN na TFC bilang nangungunang Filipino channel, at pinakapinanonood na multicultural network sa cable at satellite sa U.S. para sa buwan ng Marso 2021.
"Nagpapasalamat kami sa aming mga manonood para sa kanilang pagtangkilik at pagsuporta sa aming mga programa at ibang content offerings habang patuloy naming pinagsisilbihan ang mga Pilipino anuman ang kanilang pinagdadaanan at nasaan man sila sa mundo," sabi ni ABS-CBN North and Latin America Managing Director Jun del Rosario.
“Masaya kami sa mapagkakatiwalaan at detelyadong impormasyon tungkol sa aming mga manonood na ibinahagi ng Comscore. Malinaw nitong ipinapakita ang kahalagahan ng aming channel at mga manonood."
Base sa TV viewing engagement report na inilabas ng Comscore para sa buwan ng Marso 2021:
· Ang TFC ang mas pinapanood na channel ng mga Filipino subscribers, kung saan mayroong mahigit 192,000 households na pinapanood ito na umaabot ng 10.7 million hours viewed, kumpara sa 163,000 households na mayroong 8.4 million hours viewed ng GMA Pinoy TV.
· 90 percent din ng Top 20 most watched programs ay mula sa TFC (18 out of 20). Siyam naman sa Top 10 shows ay galing din sa TFC. Nangunguna diyan ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa 7:30pm weekday time slot nito, na sinundan naman ng mga teleseryeng “Huwag Kang Mangamba” at “Ang Sa Iyo ay Akin.” Ang daily news show naman ng TFC U.S. na “Balitang America” (BA) ay nasa ika-4 na puwesto, kaya naman itinuturing itong pinakapinanonood na Philippine news program. Habang ang “TV Patrol Global Edition” naman ng ABS-CBN ay nasa ika-6 na puwesto, at ang “TV Patrol Sabado” naman ay nasa ika-10 puwesto.
· Tinututukan ng mga manonood ang top 3 shows mula TFC, kung saan pinanonood nila ang mahigit 70% ng kabuuan ng mga nasabing programa.
· Base sa Comparative Viewing, 77% ng mga GMA Pinoy TV viewers ay nanonood ng TFC, habang nasa 65% lamang ng TFC viewers ang nanonood ng GMA Pinoy TV.
· Consistent ang pagiging mataas ng Average Audience ng TFC kumpara sa GMA Pinoy TV sa iba’t ibang viewing blocks (Total Day, Early Morning, Daytime, Early Fringe, Prime Access, Prime Time) (Please see image below)
Ipinakita rin sa datos na mas maraming Pilipino ang nanonood ng iba’t ibang content kumpara sa ibang multicultural groups na may kaparehong laki ng populasyon.
Ang Comscore TV engagement rating, na kilala rin bilang Stickiness Index, ay sinusukat ang primetime ad-supported na cable at broadcast telecasts base sa taas ng viewer engagement, na kanilang nalalaman sa pamamagitan ng pagkukumpara ng average percentage na pinanood sa bawat telecast at ng lahat ng primetime telecast na may kaparehong haba. Ang telecast na may pinakamalaking engaged viewers ay mayroong mas mataas na Stickiness Index, na nagpapakitang mas maraming manonood ang nakatutok sa kahabaan ng isang telecast.
Ang TFC ay nakipag-partner sa Comscore noong simula ng taon upang makakuha ng industry at market insights ng content performance, at audience behavior and preferences base sa national TV audience measurement sa U.S.