News Releases

English | Tagalog

TrabaHanap at DOLE Region 2 nagsama para sa virtual career fair

June 11, 2021 AT 10:21 AM

TrabaHanap teams up with DOLE Region 2 for virtual career fair

To be hosted by Kaladkaren, the TrabaHanap virtual career fair will happen on its online job-hunting show TrabaHanap Live, at 4 PM

Mga employer, maaari ring mag-post ng opening  

Patuloy na aagapay ang ABS-CBN sa mga Pilipinong naghahanap ng trabaho ngayong panahon ng pandemya sa pamamagitan ng isang virtual career fair ngayong Hunyo 12 (Sabado), Araw ng Kalayaan sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 2 Office.   

Ang virtual career fair ay inorganisa ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa pagdiriwang ng ika-123 anibersaryo ng kalayaan ng bansa at may temang “Kalayaan 2021: Diwa ng Kalayaan sa Pagkakaisa at Paghilom ng Bayan.”      

Mapapanood ito sa online job-hunting show na TrabaHanap Live, 4 PM na tampok si Kaladkaren bilang host at guest na si Mr. Joel M. Gonzales, CESE, Regional Director, DOLE RO2 para talakayin ang mga opening sa Cagayan, Isabela, Batanes, Quirino, at Nueva Vizcaya.  

Maaaring mapanood rin ito ng jobseekers sa marami pang online platforms, kasama na ang Facebook page ng TrabaHanap (@TrabaHanapOfficial), TFC Official, TFC Asia, at TFC Middle East. Ito rin ay nasa Facebook page ng CineMo, MORe-Luzon, MORe-Visayas, and MORe-Mindanao, pati na sa FYEchannel sa Kumu app at magkakaroon ng replay sa YouTube channel ng CineMo.   

Para makasali, kinakailangan ng aplikante na gumawa ng sariling account sa www.TrabaHanap.com. Hinihikayat rin ang mga employer na magpost ng opening. Siguraduhin lamang nila na nakahanda ang mga dokumento tulad ng BIR Form 2303, Business Permit, SEC Registration at iba pa.   

Mahahanap ng mga aplikante mula sa buong bansa ang listahan ng mga job opening sa TrabaHanap website habang ang mga naghahanap naman ng trabaho sa Region II ay makikita ang listahan sa TrabaHanap.com/jobfair simula Hunyo 11.   

Para naman sa mga aplikanteng nais maghanap ng trabaho sa Region II, magkakaroon ng sariling landing page ang TrabaHanap para rito simula Hunyo 11. Bumisita lamang sa TrabaHanap.com/job-fair.  

Para sa iba pang job openings, bumisita lamang sa TrabaHanap.com.