News Releases

English | Tagalog

Star Magic, ibibida ang galing ng Pilipino sa mundo

June 19, 2021 AT 07:50 PM

Star Magic unveils plans to go global in historic Black Pen Day

Star Magic announced that they will launch Star Magic Records, a sub label under ABS-CBN Music; Star Magic Studio, which will create content for Star Magic artists; and Star Magic Digital Artist Agency. They will also bring back Teatro Kapamilya.

Mahigit 40 artista, pumirma sa ABS-CBN…

Lalo pang lalaki at magliliwanag ang Star Magic bilang primerong talent management agency sa bansa sa plano nitong ibida ang talento ng mga Pilipino sa mundo.

Inilantad ng pinuno ng Star Magic at ABS-CBN entertainment production na si Laurenti M. Dyogi na gagawa na ang Star Magic ng mga sariling nitong palabas at hahanap ng mas marami pang oportunidad sa labas ng Pilipinas para tulungang matupad ang mga pangarap ng mga Star Magic artist.  

“We dream to grow bigger and go global. To see our artists perform alongside the best artists in the world is what we will strive to achieve. Star Magic will also start creating content that will entertain, inform, and educate our audience locally and globally,” sabi niya sa ginanap na Star Magic Black Pen Day noong Sabado (Hunyo 19).

Sa mga darating na buwan, ilulunsad nila ang Star Magic Records, isang sublabel sa ilalim ng ABS-CBN Music; ang Star Magic Studio, na siyang gagawa ng palabas para sa Star Magic artists; ar Star Magic Digital Artist Agency. Ibabalik din nila ang theater arm ng ABS-CBN na Teatro Kapamilya, na siyang nasa likod ng “Tabing-Ilog: The Musical” noong 2020.

Mahigit 40 artista ang pumirma upang maging Kapamilya sa Star Magic Black Pen Day, ang sinasabing pinakamalaking contract signing event sa kasaysayan ng Philippine entertainment.

Kabilang sa pumirma sa event, na hinost ni Edward Barber, ang mga kilalang artista na sina John Arcilla, Sandino Martin, Marc Solis, at Angeline Quinto, kasama ang mga baguhang sina Kaila Estrada, Arabella Davao, Mary Joy Apostol, Zabel Lamberth, Rans Rifol, Vance Larena, Maureen Wrob, Paolo Gumabao, Luis Vera-Perez, Sela, Migo Manikan, Vitto Neri, at Jake Ejercito.

Naroon din sina Gigi De Lana, Zach Castaneda, Shanaia Gomez, Karina Bautista, Aljon Mendoza, Jayda, at JC Alcantara mula sa RISE Artists Studio at mga artista mula sa mga katuwang na partner talent agencies tulad nina Alyssa Muhlach at Kiko Estrada ng ALV Events International, at Krystle, Lara Maigue, Moira Lacambra, Aikee, Poppert Bernadas, Gian Magdangal, Davey Langit, at Anthony Barion ng ATEAM (Alcasid Total Entertainment & Artist Management, Inc).

Pumirma rin sina Sab at Recio ng Star Music, Janine Berdin, Sheena Belarmino, JM Yosures, at iDolls ng Polaris, at Ashley Del Mundo, Tan Roncal, Kiara Takahashi, Richard Juan, Lou Yanong, Kobie Brown, at Andi Abaya ng Star Hunt.

Bago salubungin ang mga bagong Kapamilya, nagbigay pugay si Lauren sa mga talent manager at road manager ng Star Magic na para sa kanya ay ang tunay na pwersa sa likod ng Star Magic.  Sila ang kanyang makakatulong sa paghubog, pagsanay, at pagasikaso sa mga artista ng Star Magic upang sila ay maging mahusay sa iba’t ibang larangan at maging responsableng indibidwal sa lahat ng uri ng midya.

“My dream is to help fulfill the dreams of our artists. To attain their highest potential in their chosen craft and be responsible members of the entertainment community and of this nation,” ika niya.

Nagpasalamat din si ABS-CBN chief operating officer of broadcast Cory Vidanes sa mga bagong Kapamilya sa kanilang pagtitiwala. Aniya, maaasahan nila ang paggabay at suporta ng Star Magic at ABS-CBN sa kanilang pagabot sa kanilang mga pangarap.

Paalala rin niya sa kanila,“Be good, stay grounded, and enjoy the journey. Together let us share love, joy, and light as we continue to inspire and serve the Filipino.”

Maaari pang mapanood ang Star Magic Black Pen Day online sa Star Magic Facebook page at YouTube channel at ipapalabas din sa Kapamilya Channel at A2Z channel 11 sa Hulyo 18 ng 9:30 pm. Para sa updates, sundan ang @starmagicphils sa Facebook, Instagram, at Twitter. Para sa iba pang Kapamilya news, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, Twitter, at TikTok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.