News Releases

English | Tagalog

Resident band na Six Part Invention, sobrang aliw kay Vice Ganda sa "Everybody, Sing!"

June 21, 2021 AT 02:10 PM

Resident band Six Part Invention grateful as "Everybody, Sing!" goes on air after delays

Six Part Invention sang their hearts out after learning that “Everybody, Sing!” was finally greenlit after it was postponed in 2020 due to the pandemic.

Grocery frontliners at fitness instructors, sumabak sa kantahan 
 

“Para kang laging nasa comedy bar.” 

Ganito ilarawan ng mga miyembro ng Six Part Invention ang kanilang karanasan kasama si Vice Ganda sa programang “Everybody, Sing!” na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC. 

Bilang resident band ng first community game show ng Pilipinas, sila ang kasa-kasama ng Unkabogable Star sa pagpapahula ng mga nawawalang lyrics sa Songbayanan tuwing Sabado ng 8 pm at Linggo ng 7:30 pm. 

Ayon sa vocalist ng banda na si Kaye Malana, lagi siyang masaya kapag kasama si Vice at marami siyang natutuhan sa Phenomenal Box-Office Star na nakatrabaho rin niya sa “It’s Showtime” at ibang out of town gigs. 

“Bilib ako kay Ate Vice kasi napakatalino. ‘Yung banter niya sa contestants ibang klase. Magaan siya katrabaho,” aniya. 

Para naman kay Rey Cantong, ang vocalist at guitarist ng Six Part Invention, gusto niyang katrabaho si Vice dahil sa pinapakita nitong professionalism.  

“It’s always super fun to work with Ate, but at the same time the level of professionalism and artistry is high. ‘Yun ang gusto ko. Always pushing limits,” kwento ni Rey na siya ring music arranger ng programa at  gumagawa rin ng music arrangements para kay Vice.  

Maituturing na beterano na sa industriya ang Six Part Invention na nasa likod ng mga hit song na “The Flame,” “Umaasa Lang Sa’yo,” at “Falling In Love.” Kitang-kita naman ang husay nila sa programa, na puno ng sorpresa sa bawat round.  Sabi pa ni Rey, “mistakes are really not allowed” kaya matindi ang paghahanda nila sa bawat episode. 

Labis naman ang pasasalamat nila na sa wakas ay natuloy na rin ang pag-ere ng “Everybody, Sing!” matapos maantala noong 2020 dahil sa pandemya. 

“I cried because I thought impossible na talaga maipalabas because of this pandemic. Pero lagi ko nga sinasabi, God’s timing is always perfect,” sabi ni Kaye.  

Dagdag naman ni Rey, “Our prayers are finally answered. Sobrang saya. Minsan kahit ipilit natin if it’s not God’s will, hindi talaga mangyayari. Ngayon we can say that the show is very timely.”  

Napapanahon nga ang “Everybody, Sing!” dahil natatampok nito ang iba’t ibang sektor ng komunidad na apektado ng pandemya tulad ng grocery frontliners at fitness instructors na nagsilbing Songbayanan noong Sabado (Hunyo 19) at Linggo (20).

Parehong nakakuha ng P30,000 sa jackpot round ang dalawang grupo, bukod sa kani-kaniyang nakuhang premyo ng mga indibidwal sa mga naunang round. Naghatid rin ng saya ang paglabas ni Vice Ganda nang nakadamit bilang Diana Ross at Betty Boop. 

Orihinal na konsepto ng ABS-CBN at tunay na Pinoy made ang “Everybody Sing!” na may layuning bigyang-diin ang kahalagahan ng bayanihan at pagtutulungan, lalo na sa panahon ng pandemya.   

Sinu-sino kaya ang bubuo sa songbayanan sa susunod na linggo? Abangan sa “Everybody, Sing!” tuwing Sabado, 8 pm at Linggo, 7:30 pm sa  A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC. Para sa latest tungkol sa “Everybody, Sing!” i-follow ang @EVERYBODYSINGPH sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.