News Releases

English | Tagalog

Mga ulat ng ABS-CBN News, wagi sa SOPA Awards 2021

June 25, 2021 AT 01:48 PM

ABS-CBN News wins two honors at the SOPA Awards 2021

ABS-CBN News’ reportage of Filipinos striving to cope with the impact of the Taal volcano eruption and the COVID-19 pandemic both took home honors in the Society of Publishers in Asia (SOPA) Awards 2021 in a virtual ceremony on Thursday (June 24).

Nag-uwi ng dalawang parangal mula sa Society of Publishers in Asia (SOPA) Awards 2021 ang ABS-CBN News para sa mga ulat nito tungkol sa mga Pilipinong patuloy na lumalaban sa kabila ng pagputok ng bulkang Taal at pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Panalo ang “Pangarap ni Chito: Kuwento ng jeepney driver na naninirahan sa nakaparadang jeep”  mula  sa NXT team, ang digital video team ng ABS-CBN News, sa Excellence in Video Reporting (Regional) category sa pagpapakita ng sinapit ng isang tsuper na nawalan ng hanapbuhay dahil sa lockdown.

Umani naman ng honorable mention ang “Taal: Through Eruption and Pandemic” ng ABS-CBN reporter na si Katrina Domingo at photojournalist na si Jonathan Cellona sa kategoryang Excellence in Journalistic Innovation (Regional) para sa

koleksyon ng mga kwento ng pag-asa mula sa mga komunidad sa Batangas at Cavite.

Mga batikang indibidwal ang sumusuri sa mga entry mula sa iba-ibang news organization sa Asya sa SOPA, na nagsimula noong 1999 bilang pagpupugay sa kahusayan sa pagbabalita sa tradisyunal at bagong midya.

Ayon sa isang hurado, sa pagpokus ng NXT sa dinaranas na hirap ng drayber, mas naipakita ang matinding epekto ng COVID sa bansa at ang ipinatupad na lockdown dahil dito. Pinuri rin ng isa pang hurado ang nakakamanghang paggamit ng video, slide show, larawan, graphics, at text sa pagsasalaysay ng kwento ng mga tao sa paligid ng bulkang Taal.

Inanunsyo ang mga nagwagi ngayong taon noong Huwebes (Hunyo 24) sa YouTube page ng SOPA.

Tunghayan ang mga finalist sa SOPA Awards 2021 mula sa ABS-CBN News sa https://news.abs-cbn.com/specials/through-eruption-pandemic at sa https://news.abs-cbn.com/news/multimedia/video/08/06/20/pangarap-ni-chito-kuwento-ng-jeepney-driver-na-naninirahan-sa-nakaparadang-jeep.

Para sa iba pang balita, i-follow ang @abscbnnews sa Facebook at Twitter o bumisita sa news.abs-cbn.com o ABS-CBN News YouTube channel. Para sa Kapamilya updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom<http://www.abs-cbn.com/newsroom.