
Mabilis nang makikita ang mga kwentong gumabay at umaliw sa manonood sa loob ng maraming taon sa pinalakas na ABS-CBN Integrated News and Current Affairs Facebook page.
Sa facebook.com/
Patuloy ding naghahatid ng serbisyo ang ABS-CBN News sa pamamagitan ng Facebook at Instagram pages ng mga dating current affairs shows tulad ng “Matanglawin,” “Kuha Mo,” “My Puhunan,” at “Sports U.” Sa Instagram, aktibo ang "#NoFilter" habang patuloy din ang updates sa mga Facebook pages na "Mission Possible," “Salamat Dok,” “Umagang Kay Ganda,” “SOCO,” at “Bandila.”
Maaari namang panoorin muli ang mga naging ulat ng ABS-CBN Current Affairs programs sa http://news.abs-cbn.com/
Ang muling pagiging aktibo ng ABS-CBN Integrated News and Current Affairs Facebook page, na mayroong mahigit 2.5 milyon na followers, at iba pang social media pages ng ABS-CBN current affairs shows ay bahagi ng insiyatibo isa ng ABS-CBN News upang patuloy na makapaglingkod sa mga Pilipino saan man sila sa mundo.
Sa kabila ng pagkawala sa ere ng mga programa ng ABS-CBN Current Affairs noong 2020 dahil sa prangkisa, nananatili itong buhay at patuloy na naglilingkod sa Pilipino. I-follow ang ABS-CBN Integrated News and Current Affairs sa Facebook at iba pang opisyal na account ng current affairs shows sa Facebook at Instagram.
Para sa ABS-CBN updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.