News Releases

English | Tagalog

MOR Entertainment at MYX Radio, nasa ABS-CBN Radio Service App na

July 28, 2021 AT 03:09 PM

MOR Entertainment, MYX Radio, & TeleRadyo now available on the ABS-CBN Radio Service App

Filipinos online can get the best of music, entertainment, news, and information anytime and anywhere via the ABS-CBN Radio Service App that now streams MOR Entertainment and MYX Radio alongside the TeleRadyo live stream.

Balita, serbisyo publiko, at musika sa iisang app

Makakapakinig na rin ang mga Pilipino ng musika sa ABS-CBN Radio Service App, bukod sa balita at serbisyo publiko mula sa  TeleRadyo at ABS-CBN News Channel (ANC), at piling podcasts ng ABS-CBN News.
 
Kamakailan lang kasi, idinagdag ang MOR Entertainment at MYX Radio sa mga live stream sa mobile app gamit ang tablet o cellphone. 
 
Hatid ng MOR Entertainment ang iba-ibang programang may hatid na musika at kaaaliwan kasama ang mga dating DJ ng MOR 101.9 na sina Chico, Chinaheart, Kisses, Onse, at Popoy mula sa Manila; Ateng Jeri B, Erick D, Bong Bastic, at Tito Son ng Luzon; Daddy Sarge, Jacky G, Macky Kho, at Master James Spider ng Visayas; at Betina Briones, David Bang, Kokoy, at Mary Jay galing namang Mindanao.
 
Sa MYX Radio naman maririnig ang bagong musika mula sa buong mundo na patok sa panlasa ng mga kabataang Pilipino. Marami dito ay mga musikang gawa, tampok, o pinroduce ng mga artist na Pilipino o may dugong Pilipino.

Dati nang ginagamit ang ABS-CBN Radio Service App ng mga Kapamilya na nais maging updated sa pinakamahalagang mga balita sa pamamagitan ng pakikinig sa mga programa ng ABS-CBN News tulad ng “TV Patrol,” “TeleRadyo Balita,” at “Dateline Philippines” ng ANC. 
 
Naroon din ang mga podcast tulad ng “After the Fact” ni Christian Esguerra at ang “Post-Game” para naman sa mga mahihilig sa sports. 
 
Maaaring i-download ang ABS-CBN Radio Service App nang libre sa lahat ng Android at Apple devices sa Google play store at Apple app store. 
 
Sundan ang @ABSCBNNews sa Facebook at Twitter, mag-subscribe sa ABS-CBN News YouTube channel, o pumunta sa http://news.abs-cbn.com para sa balita. Para sa ABS-CBN updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bumisita sa http://abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE