News Releases

English | Tagalog

"FPJ's Ang Probinsyano" at "Sandugo" arangkada sa Africa

July 05, 2021 AT 11:02 AM

ABS-CBN's "FPJ's Ang Probinsyano" and "Sandugo" invade Africa

Kapamilya action series "FPJ's Ang Probinsyano" and "Sandugo" are now airing in 41 African countries via the StarTimes channel

Mapapanood sa 41 bansa

Patuloy ang pamamayagpag ng mga programa ng ABS-CBN sa iba't ibang dako ng mundo dahil nagsimula na ang pagpapalabas ng "FPJ's Ang Probinsyano" at "Sandugo" sa 41 bansa sa Africa sa StarTimes channel.      

Kilala sa pamagat na "Brothers" sa ibang bansa, ang "FPJ's Ang Probinsyano" ay napapanood na sa South Africa, Kenya, Ghana, at iba pa.      

Samantala, ang "Sandugo," na kilala sa ibang bansa bilang "Fists of Fate," ay nagsimulang umere sa Africa noong Mayo nitong taon, sa StarTimes channel. Sinubaybayan ang kwento nito na tungkol sa dalawang magkapatid, na ginampanan nina Aljur Abrenica at Ejay Falcon, na nasa magkaibang panig ng batas.    

Una itong napanood sa Kapamilya Gold at tampok din dito sina Cherry Pie Picache, Ariel Rivera, Gardo Versoza, Vina Morales, Elisse Joson, at Jessy Mendiola.     

Hindi lang ang dalawang action series na ito ang napapanood sa ibang bansa. Noong 2020, mas pinalawak pa ng ABS-CBN ang paghahatid ng mga labinganim na palabas nito hindi lang sa Africa, kundi pati na rin sa Latin America, at Asya. Kabilang dito ang "Kadenang Ginto," "Dahil May Isang Ikaw," "The General's Daughter," at marami pa. Kamakailan din ay kinilala rin sa Malaysia ang adaptation nito ng "Tayong Dalawa," na pinamagatang "Angkara Cinta" na naging most-watched show sa Astro Prima Channel noong 2020.     

Mapapanood pa rin ang mga Kapamilya program sa cable TV sa Kapamilya Channel at Jeepney TV, pati na sa free TV sa A2Z at TV5. Palabas din ang mga ito online sa through Kapamilya Online Live, iWantTFC, Netflix, WeTV, at iFlix.     

Bisitahin lamang ang https://www.abs-cbn.com/internationalsales/about para sa karagdagang detalye.