News Releases

English | Tagalog

“GAME KNB?” magpapaulan muli ng papremyo simula Agosto 23

August 20, 2021 AT 12:03 PM

It’s raining prizes on “GAME KNB?” starting August 23

Aside from bigger prizes, the GKNB fever will spread out in exciting new segments.

Challenges na kakaharapin ni Robi, maglelevel-up na rin sa kumu

Magpapaulan ng mas maraming premyo ang pambansang game show ng mga Pilipino saan man sa mundo sa “Game KNB?” Season 4 kasama si Robi Domingo na malalaro nang eksklusibo sa kumu app at mapapanood din sa Facebook page at YouTube channel ng Jeepney TV simula Lunes (August 23), 12nn.

Sa “GKNB 4EVER,” pwedeng manalo ng mula P25,000 hanggang P100,000 cash prize sa Pili-Pinas segment tuwing Martes habang patuloy naman ang pamimigay ng P10,000 cash prize sa masusuwerteng players tuwing Lunes, Miyerkules, Huwebes, at Biyernes.

Nagpapasalamat ang game master na si Robi sa matinding suporta ng mga manonood sa programa na magdiriwang ng unang anibersaryo ngayong Oktubre. Naghahanda rin ng mga bagong segment na tiyak kagigiliwan ng mga manonood.

Kaabang-abang ang ‘Flip-Pinas’ guessing game, ang nakakaaliw na ‘Robi, Game KNB? Ramdam-Mizer Elevate!’ challenge para mismo kay Robi, pati na rin ang magaganap na ‘GKNB, Akyatan Na’ kung saan random ang magiging pagpili sa kumunizen na aakyat at maglalaro. Araw-araw ay pwede ring mapanalunan ang 10,000 kumu coins sa ‘Robi, GKNB? (Team Bahay)’ segment.

Syempre, nagbabalik din ang “Game KNB magco-host with Robi” campaign na magbibigay pagkakataon sa mga kumunizens na maging special co-host ni Robi sa programa. Magaganap ang unang campaign period simula August 30 hanggang September 10 at susundan ito ng pangalawang kampanya sa September 20 hanggang October 1.

Nito lamang July 16, nagtapos nang bongga ang Season 3 ng inaabangang interactive game show kasabay ng pagpapamigay ng P1 million cash prize sa lucky players. Sa ngayon, meron nang mahigit 435K followers ang kumu account ng “Game KNB?” (@gknb).

Patuloy na sumali at makisaya sa “GKNB 4EVER,” Lunes hanggang Biyernes simula August 23, 12nn sa kumu. I-download na ang kumu app at sundan ang @gknb. Mapapanood din ang programa sa Jeepney TV Facebook page at YouTube channel.

Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter, TikTok, at Instagram (@abscbnpr) o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE